Walang ‘illegal’ na OFWs
BAGAMA’T ako ay isa lamang neophyte congressman, ako’y nailuklok kamakailan na Vice Chairman ng Committee on Foreign Affairs ng House of Representatives. Sa isang meeting minsan ng committee napansin ko na may mga kongresista na tumutukoy sa mga OFW na walang mga papeles sa POEA as “illegalsâ€.
Ako ay tumutol at aking ipinaliwanag na kapag ang isang Pilipino ay nasa abroad na, may POEA papers man siya o wala ay hindi dapat tinatawag na “illegalâ€. Hayaan nating tawagin siyang “illegal†ng mga ibang lahi pero para sa ating mga Pilipino, “undocumented†lamang ang dapat nating ibansag sa kanya. Hero silang lahat maging documented man sila o undocumented kasi pare-pareho silang nagsasakripisyo sa ibayong dagat.
Mukhang natuwa naman at sumang-ayon ang mga kongresista sa sinabi ko. Kaya mula ngayon taas-noo na-ting sabihin sa buong mundo na as far as we Filipinos are concerned, walang illegal na OFWs sa ibayong dagat.
Dalawang klase ang undocumented OFWs: Una, sila ‘yung mga umaalis ng bansa bilang turista at nakakahanap ng trabaho sa country of destination. Undocumented sila dahil hindi dumaan sa POEA. Dahil hindi sila dumaan sa POEA, sila ba ay dapat pinaparusahan ng ating gobyerno? Of course not. Malaking parusa na sa kanila ang trauma at stress when they take the risk of leaving the country without the right papers in pursuit of a better life for their family. Sa takot at nerbiyos pa lang na dinaranas nila ay malaking parusa na.
Ikalawa, sila yung sa umpisa ay may mga POEA papers ngunit nag-o-overstay naman sa jobsite after the expiration of their employment contracts or work visas.
Kapag nagkakaproblema ang isang OFW, documented man o hindi, wala nang maraming ek-ek pa. Tulong agad-agad ang ibigay sa kanila ng mga embahada.
- Latest