Misis ni Mayor addict sa casino

ALAM n’yo bang adik-adik na sa casino ang misis ng isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Justice Remedios Salazar-Fernando ng Court of Appeals, Isabela Gov. Bodjie Dy, Dr. Gary “Tulis” Sy, Bro. Dennis Gabionza, Bro. BedaMelgar, Efraim Pajelago ng Celebrity Cruises at Gil Tapang Garcia mula kay Luis Garcia ng Starcom.

Ayon sa aking bubwit, kahit halos gabi-gabi ay nasa casino ang misis ni Mayor, ito ay pinababayaan na lamang. Actually mas gusto nga ni Mayor na nakababad si Misis sa casino upang madalas makapiling ang kanyang chiching.

Ang misis ni Mayor ay suki na sa Solaire casino sa Parañaque City, sa casino sa Heritage Hotel sa Pasay at maging sa casino sa may Hyatt Hotel sa Ermita, Manila. May budget na P500,000 si Misis bawat punta sa casino, pero hindi naman agad ito nauubos.

Slot machine kasi ang sugal ni Misis kaya kahit abutin ng madaling araw ay hindi nauubos ang kanyang P500,000 kahit siya ay malasin.

Dahil suki na si Misis sa casino, siya ay kilala na ng mga staff at waiter. Sa katunayan, itinuturo pa raw kay Misis kung anong slot machine ang meron nang ma­raming coins para dito siya magbabad upang mas malaki ang kanyang mapanalunan. 

Ang mainam naman daw sa misis ni Mayor, hindi ito madamot sa pagbibigay ng balato kapag nananalo. Ang ikinaiinis lamang pala ni Misis ay kung binabantayan at pinapanood habang nasa slot machine.

Kapag may nanonood sa kanyang staff o waiter, pina­aalis niya subalit binibigyan naman ng P1,000.

Ang sinasabi ni Misis kapag may nanonood sa kanya ay “Hoy, lumayas ka sa tabi ko. Heto ang pera, lumayas ka at baka malasin pa ako.”

Ang misis na adik sa slot machine ay ang misis ni Mayor N.A. ng Metro Manila.

Show comments