SA gitna nang maraming isyu sa bansa ay tila hindi nabibigyan ng sapat na pansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Inihayag kamakailan ng Malacañang na mino-monitor nito ang nagiging “rice price hike†sa average umano na P2 hanggang P3 kada kilo, laluna’t panahon umano ngayon ng mababang produksyon ng butil.
Nakapagpalala pa sa sitwasyon ang madalas na pananalasa ng bagyo, malalakas na pag-ulan at pagbaha.
May natanggap akong mga liham mula sa ilang kababayan tungkol sa naturang usapin. Anila, lubhang mas malaki pa sa halagang binabanggit ng Palasyo ang naging pagtaas ng presyo ng bigas kaya marami na ang nahihirapang tugunan ang mga gastusin sa pagkain. Hinihintay nila umano ang gagawing aksyon ng pamahalaan upang masolusyunan ito.
Kaugnay nito, nagpahayag sila ng suporta sa isinusulong ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada na panukalang Emergency Rice Reserves Act (Senate Bill 1063) na naglalayong matulungan ang pamahalaan na matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng bigas sa buong bansa sa abot-kayang presyo.
Alinsunod sa panukala, isasagawa ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA) ang mga sumusunod:
ï¬ï€ Maintain and manage a government rice reserve equivalent to 15 days of the national rice consumption for the current year and determine the location and distribution of such stocks into depots nationwide.
ï¬ï€ Procure stock from small farmers and farmer’s cooperative and import only under abnormal conditions determined through consultation with all affected sectors unless directed otherwise by the President.
ï¬ï€ Release to the market said government rice reserve upon the declaration of a state of calamity by the President.
ï¬ï€ Ensure that rice stocks are refilled in accordance with the proÂvisions of this Act.
ï¬ï€ Regularly review and assess the national palay and rice situation.
Ang bigas ay “staple food†ng mga Pilipino. KaÂilangang gawin ng pamahalaan ang lahat ng kaÂukulang hakbang upang matiyak ang sapat na supply nito sa mamamayan sa lahat ng panahon.