POPULAR ang Bgy. Calapacuan sa Subic, Zambales dahil sa 24-oras na bentahan ng ilegal na droga! Isang maliit lang na komunidad ito sa tabing-dagat, pero ito ang supplier ng shabu sa buong lalawigan!
Ayon sa mga kalapit na barangay, matagal nang paulit-ulit na ni-raid ang Bgy. Calapacuan, pero namamayagpag pa rin ang kanilang operasyon!
Ang siste, maiilap ang mga drug dealer dahil may mga tipster na nagbibigay sa kanila ng impormasyon bago pa man lumusob ang mga awtoridad!
Dahil sa ganitong mga senaryo, moro-moro nalang sa mga residente at drug dealer ang mga drug operation!
Taong 2010, tiniktikan ng mga awtoridad at BITAG ang dikit-dikit na mga drug den sa Bgy. Calapacuan!
Labas-masok ang mga humihithit at tumitira ng shabu. P800 pataas kada sachet ang presyo ng droga hindi pa kasama rito ang P20 na renta!
Dahil makitid at pasikot-sikot ang mga eskinita papasok sa lungga ng mga drug dealer, hindi naging madali ang paglusob ng mga operatiba sa lugar!
* * *
Abangan ang matensyong operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard at BITAG mamayang alas-10:00 ng gabi sa www.bitagtheoriginal.com!