KAPAG pinagbasihan ang dami ng mga pumunta sa rally kontra sa†pork barrel†yesterday sa Luneta ay makikita natin kung ano ang niloloob ng madlang pinoy sa kontrobersyal na pondo ng mga mambabatas.
Sabi nga, PDAF!
Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa pagkakalantad ng anomaly sa paggamit diumano ng ilang mambabatas ng mga bogus na mga ginawang organization ni Janet Lim Napoles.
Sinasabing aabot sa P10 billion pondo ng bayan ang nakurakot sa scheme na ito.
Ang dapat malaman ng lahat ay hindi lamang sa pamamagitan o pamamaraan ng JLN ni Napoles nagkakaroon ng anomalya sa pork ng mga mambabatas. Puede rin kasing gawin ng contractors o mas maliit na“middle men†sa JLN Corporation ni Napoles.
Masyado lang kasi na - focus ang atensyon ng madlang pinoy kay Napoles.
Sobra ang galit ng madlang pinoy kaya naman pati tuloy ang “pork†o social fund ni P. Noy ay pinapaalis na rin ng ilang sector.
Eh, kung ganoon mga Kamote sino na ang gagastos para magpatupad ng mga project ng gobyerno kung lahat ay tatanggalan ng karapatan sa paggamit ng pondo?
Kung tutuusin ay maganda na ang panukala ng Malacañang para maalis ang agam-agam ng marami sa paggamit ng pork. Ang pag-alis sa dating practice na para bang binibigyan ang bawat mambabatas ng “cash credit†na puede nilang gastusin sa anuman proyekto gusto nila ay maituturing na isang malaking hakbang tungo sa pagtama ng dating sistema.
Pati na rin ang pag-limita sa mga proyektong maaaring pondohan ng pork ng mambabatas ay tinanggalang mga “consumable items†ay makakatulong ng malaki upang maiwasan ang dating masamang practice.
Kung ang ginastusan ng “pork†ay consumable tulad ng gamot o pagkain ay madali itong magkaroon ng tinatawag na “ghost delivery†dahil puedeng sabihin na naubos na kahit wala namang talagang na i-deliver ang contractor.
Kainaman pa kung ang pagkakagatusan ng pork allocation o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mambabatas ay isasama bilang “line item(s)†sa national budget ay madaling makikita kung ang mga ito ba ay karapat dapat bigyan ng pondo dahil dadaan ito sa mismo sa deliberasyon ng Kongreso.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay wala naman talagang masama sa “pork barrel†kailangan lang lagyan ng mga “safety net†para maiwasan na ang pondo ay maabuso ng ilan.
Malaki ang maitutulong nito lalo na sa madlang pinoy na nakatira sa maliit na munisipalidad sa Philippines my Philippines na umaasa sa tulong mula sa national government kasama na ang mga miyembro ng kongreso.
Pangalawa, para lalo pang maiwasan ang anomalya sa pork dapat ang ihalal nating mga maging mambabatas eh yong hindi kurap o trapo, Ang mahirap kasi sa tao minsan eh magaling lang magsalita tulad na lang ng rally sa Luneta, lahat ba ng nandoon ay bumoto noong nakaraang halalan?
Abangan.