GUMAMIT nga ba ang Syrian security forces ng sanÂda-tang kemikal laban sa mga rebelde? Ito ang akusasyon ng mga rebelde matapos biglang mamatay ang 1,300 tao na wala namang mga pisikal na sugat o tama. Karamihan ay bumubula pa ang bibig at ilong, indikasyon ng lason. Pero ayon naman sa gobyerno ng Syria, ang mga rebelde raw ang nagpakawala ng lason para sila ang pagbintangan. Kaya naman napipisil ang gobyerno ng Syria na payagan ang mga inspektor ng UN na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente, at alamin kung sino ang lumabag sa isang seryosong batas laban sa mga sandatang kemikal.
Ang paggamit ng sandatang kemikal ay hindi na bago sa panahon ng digmaan. Unang ginamit ito noong Unang Digmaang Pandaigdig kung saan daanglibong sundalo ang namatay mula sa bawat panig. Dahil walang pinipiling biktima, minabuti ang pagbawal sa paggamit nito ninoman nang matapos ang digmaan. Pero kemikal muli ang ginamit ng mga Nazi sa mga bihag nilang Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil dito, kinasuhan sila ng “crimes against humanityâ€, ang kauna-unahan sa mundo. Muling gumamit ng sandatang kemikal noong digmaan ng Iraq at Iran. Ang Iraq sa ilalim ni Saddam Hussein ang gumamit ng mustard gas laban sa mga sundalo ng Iran. Magmula noon, palaging handa na rin ang lahat ng sundalo sa kemikal na atake, kahit bawal ito. Karaniwang kagamitan sa bawat sundalo ang gas mask, kung sakaling maulit muli ang paggamit.
Pero ang mga sibilyan ay hindi naman handa para sa ganyang klaseng pagsalakay. Kaya ginagamit na rin ang sandatang kemikal ng mga terorista. Mga sibilyan ang karamihang namatay sa Syria. Sa ngayon ay tila hindi pa pinapayagan ng gobyerno ni Bashar al-Assad ang mga UN na inspektor. Diyan pa lang ay masasabi na siguro kung sino ang nagpakawala ng lason. Nagbanta na ang Amerika sa Syria noon na kung gumamit sila ng ganyang sandata sa kanilang digmaang sibil, baka diyan na sila makialam. Magiging Afghanistan o Iraq na rin ang Syria kung sakali, na tutol siyempre ang mga kaalyado nitong Iran at Russia. Kaya kung may mga kababayan pa tayong nagpipilit manatili sa Syria, kailangan pauwiin na sila dahil hindi na masasabi kung ano ang susunod na mangyayari, lalo na kung mapatunayang may gumamit nga ng sandatang kemikal sa digmaang sibil na ito na mahigit nang dalawang taon!