NGAYON ang huling linggo ng Agosto. Maraming paalaala sa atin ang Panginoon upang magpakatatag tayo sa ating pananampalataya sa Kanya sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas ng ating bansa: Korapsyon sa pamahalaan, pagnanakaw sa kaban ng bayan at mga bagyo na naganap ngayong buwang ito. Panginoon, patawarin mo kami at kaawaan.
Ipinahayag ni Propeta Isaias ayon sa sinabi ng Panginoon na Siya ang nagpaparusa sa lahat ng bansa. Maawain Siya kaya kailangan nating magsisi at magbalik-loob sa kanya. “Humayo tayo at dalhin ang mabuting balita at aral upang mapaglabanan natin ang mga sigalot sa buhay.†Sa mga pagsubok sa atin ay huwag tayong mawalan ng pag-asa sapagka’t maawain at mapagpatawad ang Panginoon.
Ang ating kaligtasan sa kabila ng mga pagsubok ay dapat nating pagsikapan upang makapasok sa makipot na pintuan upang magkaroon ng kapayapaan at kapatawaran sa napakaraming kasalanan sa buhay. Ang pintuang ito ay natutulad sa butas ng karayom na pinaÂpasukan ng mga kamelyo para magpahinga sa kanilang kulungan. Ang mga kamelyo ay tinatanggalan nang maÂraming karga o dala para mapayapang makapapasok sa kanilang kulungan.
Paano tayo makapapasok sa tahanan ng Panginoon kung punumpuno tayo ng mga kargadang kasalanan. Lahat tayo ay darating sa hukuman ng Panginoon. Handa ba tayo na ayusin ang landas ng ating buhay. Hindi mahalaga ang dasal nang dasal, ang mahalaga ay ang pagbabagumbuhay. “Tunay ngang may mahuhuling mauuna at may nauunang mahuhuliâ€.
Isaias 66:18-21; Salmo 116; Hebreo 12:5-7, 11-13 at Lukas 13:22-30