Magkaiba ang sukatan?
ANG umiiral na batas sa Pilipinas tungkol sa adultery at concubinage ang masasabi natin na pinaka-malinaw na halimbawa ng magkaibang sukatan ng moralidad sa ating lipunan ng babae at lalaki. Ang kahit anong relasyong sekswal ng isang babae sa isang lalaki na hindi niya asawa ay itinuturing na adultery pero hindi lahat ng uri ng pakikipagrelasyon ng isang lalaking may-asawa ay pinarurusahan ng ating batas bilang “concubinageâ€.
Sa ilalim ng Art. 334 ng Revised Penal Code, tatlo lang ang paraan para masabing ginawa ang krimeng concubinage; (a) ibahay ng lalaki sa kanyang tahanan o “conjugal home†ang kanyang kabit, (b) magkaroon ng pagtatalik sa ibang babae na hindi niya asawa sa ilalim ng iskandalosong sirkumstansiya at (c) tumira kasama ng kabit sa ibang lugar. Ang bawat isang nabanggit ay sapat na para makasuhan ng concubinage ang isang lalaki. Hindi kailangan na magkakasama lahat ang tatlong ito para makasuhan. Ang kaso nina May at Rommel ay nagpapakita ng isang paraang paggawa ng ganitong krimen. Sa kasong ito makikita natin kung papaanong nahatulan ang isang babaerong mister na nag-akalang makakalusot siya sa asunto dahil lang mas mahirap patunayan ito laban sa lalaki.
Isa sa mga kasal na hindi nagtagumpay at humantong sa paghihiwalay ay ang pagsasama nina Rommel at May. Dahil sa tinatawag na “irreconciliable differences†o hindi pagkakasundo ay sumuko na ang dalawa. Nagdesisyon si May na umalis sa kanilang tahanan at humiwalay ng bahay sa kanyang mister. Si Rommel naman ay naiwan sa kanilang bahay at tulad ni May ay nagpatuloy sa kanyang buhay. Hindi pa natatagalan ang kanilang paghihiwalay ay nakaramdam si Rommel ng lungkot at nag-uwi siya ng ibang babae sa kanilang bahay ni May. Ang babaing nagging kabit ni Rommel ay dati na niyang karelasyon bago pa siya nagpakasal. Nagsama
si Rommel at ang kanyang kabit sa mismong tirahan nila ng kanyang misis na parang sila pa ang tunay na mag-asawa. Matapos ang limang buwan ay natunugan ni May ang tungkol sa pambababae ni Rommel at kinasuhan niya ang mister at ang kabit nito para sa krimen ng concubinage.
Kinatwiran naman ni Rom mel at ng kanyang kabit na hindi sapat ang ebidensiyang inihain sa paglilitis ng kanyang misis para madiin sila sa kaso. Argumento pa nila ay nakasaad daw sa Art. 334 ng Revised Penal Code na walang krimeng nangyari dahil ang kanilang pagsasama ay hindi naman iskandaloso (scandalous circumstances). Wala naman daw naÂganap na pag-iiskandalo sa publiko o public scandal na konektado sa pakikipagrelasyon nila sa isa’tisa na puwedeng masabing concubinage Tama ba ang katwiran nila?
MALI. Hindi malinaw na pinag-aralan at binasa ng dalawang akusado ang nila laÂman ng Art. 334. Ang isang lalaking may-asawa na ibiÂnaÂbahay ang kanyang kabit sa mismong taÂhanan nila ng kanyang legal na asawa ay nagkakasala ng concubiÂnage. Hindi na kailangan na gawin nila ito sa ilalim ng eskandalosong sirkumstansiya para lang mahatulan sila. Kung ibinahay lang ng lalaki ang kanyang kabit sa ibang lugar saka lang ito sumailalaim sa isang eskandalosong sirkumstansiya (U.S. vs. Macababbag and Balisi, 31 Phil. 257).
- Latest