Palakasin ang youth apprenticeship program
ISINUSULONG ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang Apprenticeship Training Act of 2013 (Senate Bill 136) na magpapalakas ng youth apprenticeship program o pagsasanay ng mga kabataan sa trabaho.
“Masyado nang dumarami ang mga kabataang nahihirapang makakuha ng trabaho kundi man tuluyang nagiging unemployed, at isa sa pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng kanilang kaalaman at kasanayan sa nais nilang maging hanapbuhay,†ayon kay Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.
Malaking tulong aniya para masolusyunan ito ay sa pamamagitan ng apprenticeship program kung saan ang mga kabataan ay mabibigyan ng pagkakataong sumailalim sa training sa trabaho at kompanyang nais pasukan.
Ilan sa mga benepisyo ng apprenticeship program ay:
A. Para sa mga kabataan:
Inisyal na kaalaman, kasanayan at pamilyarisasyon sa trabaho.
Training Certificate.
Training allowance.
Equivalent unit credits para sa tertiary degree courses kung magtutuloy sila ng pag-aaral sa kolehiyo.
System of Equivalency – ang mga apprenticeship graduate ay exempted na sa probationary employment at sa halip ay magiging regular employee na agad kapag ni-retain sila ng kompanya.
B. para sa mga kumpanya at industriya:
Maagang pagkilala at pagkagamay sa mga potensiyal na magiging empleyado.
Tax incentives.
Malawak na pool of trained workers.
Ayon kay Jinggoy, “The government recognizes the importance of the apprenticeship programs in providing the youth with skills and access to employment. On the other hand, industry associations see the apprenticeship program as a mechanism that would ensure a continuous supply of skilled workers.â€
Para rito aniya ay ma latungkulin ang gaÂgamÂpaÂnan ng Technical EduÂÂcation and Skills DeÂvelopÂment AuÂthority (TESDA) na pa- Ângu nahing responsable sa apÂprenticeship proÂgram ad miÂnistration, moÂnitoring and evaluation.
Sinabi ni Jinggoy na kailangang lalo pang palaÂkasin at palawakin ang programa upang mas maÂraÂming kabataan at kompanya ang makalahok at makinabang dito.
- Latest