MALAKI ang budget na inilaan ng pamahalaan sa Philippine National Police (PNP) para pambili ng mga modernong gamit. Umaabot sa P9-billion ngayong taon na ito ang nakalaan para sa kanila. Sabi ni President Noynoy Aquino, ngayong binuhusan na sila ng financial support, dapat wala nang “pulis patola’’. Sinabi ito ng Presidente sa selebrasyon ng 112th Police Service anniversary noong Martes. Inaasahan umano niya na wala nang incompetent police officers at makapagbibigay na sila nang magandang serbisyo sa mamamayan. Ayon sa Presidente, bago matapos ang 2013 magkakaroon na ng mga bagong baril ang mga pulis.
Tama ang Presidente na maraming “pulis patola†sa PNP. Sila yung mga pulis na salat sa kaalaman at walang kasanayan sa pagprotekta at pagsisilbi sa mamamayan. Pero bukod sa pagiging ‘‘pulis patola’’ marami ring “pulis kotongâ€, “pulis hulidaperâ€, “pulis torture†at “pulis rubout†na labis na nagÂpapasama sa imahe ng PNP. Bagsak ang rating ng PNP sa paningin ng mamamayan dahil sa dami ng mga kinasasangkutang kaso. May mga tao na makita lamang ang asul na uniporme ng pulis ay iba na ang naglalaro sa kanilang isip --- ito ang suot ng pulis kawatan o mandarambong. Kaya hindi na sila umaasa ng tulong sa mga pulis sapagkat kapahamakan lamang ang kanilang kinahahantungan.
Kamakailan, maraming pulis ang sangkot sa rubout ng dalawang miyembro ng Ozamis robbery gang. Inamin mismo ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na rubout ang nangyari. Noong Enero 6, 2013, maraming pulis sa Calabarzon area ang sangkot sa Atimonan massacre. Labintatlong tao ang pinatay ng mga pulis. Agawan sa teritoryo ng jueteng ang ugat ng pagpatay.
Isang taon na ang nakararaan, isang police insÂpector ang na-videohan na tinotorture ang isang holdap suspect sa loob mismo ng Asuncion PCP sa Tondo, Manila. Tinalian ang ari ng suspect at hinihila ng inspector para umamin sa ginawang krimen. Nasibak naman sa puwesto ang inspector at sinampahan ng kaso.
Sana nga wala nang “pulis patola†at wala na ring mga “scalawag†sa PNP sa hinaharap.