IBA’T IBANG negatibong konotasyon ang pumapasok sa isipan ng publiko kapag naririnig nila ang salitang “pulis.†Bunsod ito ng palpak at bulok na sistema sa Philippine National Police na namana at naging kultura na sa kanilang hanay!
Nitong mga nakaraang araw, inanunsyo ni President Noynoy Aquino na tapos na ang araw ng “pulis patolaâ€. Marami ang nagtaasan ng kilay at kumukontra dito.
Tinatawag na “pulis patola†ang isang alagad ng batas kapag naging “routine†na lang ang kanyang trabaho. Ibig sabihin, wala na siyang pagpapahalaga sa pagiging alagad ng batas o sa madaling sabi, burara at mapurol na siya sa mga gampanin.
Sa halip na bigyan ng dignidad at respeto ang kanyang uniporme, siya pa ang pasimuno at pangunahing sangkot sa mga masasamang gawain! Ang iba, halos kapapasok pa lang sa PNP, nahahawa na agad sa mga utak-dorobo sa ahensiya.
Gayunpaman, naniniwala ang BITAG na marami pa matitinong pulis sa Pilipinas. Marami pa rin ang tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Nililinaw ko lang, hindi layunin ng BITAG na manlait o manliit ng propesyon dito! Mataas ang respeto ko sa kapulisan at iginagalang ko ang kanilang uniporme.
Paulit-ulit at hindi magsasawa ang BITAG na punahin ang aspetong ito hangga’t hindi naitatama ng PNP ang mga mali at sa kanilang ahensya. Kung talagang seryoso ang pamahalaan na burahin ang konotasyong “pulis patola,†dapat magtalaga sila ng bagong sistema at ipatupad nang buong husay! Sa pamamagitan nito maibabalik ang tiwala ng publiko.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.