KUNG sa mga driveway ng gusali ay madalas may sign na “no waitingâ€, sa tarmac naman ng mga airport ay meron nang kautusan na “YES, waiting!â€
Dahil sa naganap na pagsadsad ng eroplano ng Cebu Pacific sa Davao nung Hunyo, napilitang rebisahin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga patakaran sa tinatagal ng arriving aircraft sa tarmac bago ito bumalik uli sa return flight sa pinanggalingan. Kung tawagin ito ay ground time o turnaround time.
Batay sa mga paunang imbestigasyon, pilot error ang naging dahilan nung landing accident ng Cebu Pacific. Dahil dito, minabuti ng CAAP na suriin ang mga sinusunod ng mga airline na turnaround times. Ang Cebu Pacific pala ay may turnaround time na 30 minutes. Hindi ito ang pinaka-mabilis dahil ang Air Asia Philippines ay 25 minutes ang sinusunod. Ang Philippine Airlines ay 45 minutes ang turnaround policy.
Matapos pag-usapan ng CAAP ay itinakda nito sa mandatory na 40 minutes minimum ang dapat itagal ng aircraft sa ground bago ito payagan bumalik sa pinanggalingan. Tinatayang hindi lamang pahinga ng piloto ang isinaalang-alang ng CAAP. Malinaw na maging ang safety at efficiency ng operations ay inisip din.
Sang ayon kami sa desisyong ito. Habang tumataas ang porsyento ng domestic tourism sa bansa, napapansin ding dumadalas ang mga sakunang katulad nang pagsadsad sa Davao. Siempre, pati ang pagiging on-time ng arrival at departure ng mga flights ay matagal nang naging ilusyon. Kapag pangatawanan ng gobyerno ang paghigpit sa pamamalakad na ito, mas magtatagal ang mga inspeksyon ng eroplano, mas makakapagpahinga ang mga piloto at mas makasisiguro na ang mga flight schedules ay masusundan. Ang regulasyong ito ay rasonableng sagot ng pamahalaan sa problemang dulot ng hindi na makatwirang pagmamadali ng airlines.
May mga pasaway na kompanya na ngayon pa lang ay nagsasabing tataas tiyak ang halaga ng pamasahe, tama lang ang isinagot ng CAAP na ang presyo ng biyahe ay nakasalalay sa mga konsiderasyon ng negosyo sa merkado. Sa mga madalas bumiyahe, ang pinaka-matimbang na problema bago pa ang on time departure and arrival ay ang safety ng biyahe. Kaya kumpiyansa ako na tatanggapin ng bukas palad ng publiko ang CAAP turnaround policy.