^

PSN Opinyon

Masakit na leksyon

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILABAS na ng NBI ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidenteng naganap sa Balintang Channel noong Mayo kung saan isang Taiwanese na mangingisda ang napatay dahil sa pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang ibinigay na dahilan ng PCG sa pamamaril ay tinangkang banggain sila ng barkong Taiwanese. Ipinagtanggol lang daw nila ang sarili. Pero iba ang resulta ng imbestigasyon.

Wala raw ebidensiya na ang kanilang buhay o barko ay nalagay sa panganib, base na rin sa video na kinunan mismo ng PCG. Video na nadiskubreng dinoktor ng ilang tauhan ng PCG para mag-iba ang makitang pangyayari. Wala raw indikasyon sa video na sila’y babanggain. Hindi rin armado ang mga Taiwanese kaya walang dahilan para paputukan sila ng higit 100 bala. Datos na dinoktor din umano ng mga PCG ang bilang ng bala sa kanilang salaysay na ilang putok lang daw ang kanilang pinakawalan. Sa pagpunta ng NBI sa Taiwan para makita ang barko, iba ang kuwento sa ebidensiya.

Umiral na naman ang putok muna, tanong mamaya na karaniwan na sa mga alagad ng batas ng Pilipinas. Napakaraming insidente kung saan mga inosenteng tao ang nababaril o napapatay dahil sa kakatihan sa gatilyo. Sa ginawang sabay na imbestigasyon ng NBI at mga opisyal ng Taiwan, nagtugma ang kanilang mga resulta. Dahil dito, inirekomenda ng NBI na kasuhan ng homicide ang walong Coast Guard. Sila ang mga nagpaputok ng baril. Kakasuhan din ang ibang tauhan ng “obstruction of justice” dahil sa kanilang pagduduktor ng ebidensiya. Nagpadala na rin ng “special envoy” ang gobyerno sa Taiwan at nag-alay na ng opisyal na paumanhin.

Mukhang ikinatuwa naman ng Taiwan ang resulta ng im-bestigasyon at nagpanukala na ang isang opisyal na alisin na ang mga parusang ipinataw sa Pilipinas bunsod ng insidente. Magandang balita ito sa libu-libong OFW na nagtatrabaho sa Taiwan. Magbalik na rin sana ang magandang relasyon ng Taiwan at Pilipinas, sa larangan ng diplomasya at komersyo. Dapat na ring magkaroon ng dayalogo hinggil sa karapatan ng bawat bansa sa pangingisda pati na rin ang malinaw na hangganan ng teritoryo. Kasunduan na rin hinggil sa mga magkasanib-sanib na lugar ng karagatan, para hindi maulit ang ganitong insidente. At para naman sa Coast Guard, sana ay magsilbing leksyon, bagama’t masakit, na hindi puwede ang makati sa gatilyo, lalo na kapag ibang bansa na ang kaharap.

BALINTANG CHANNEL

COAST GUARD

DAHIL

DAPAT

IPINAGTANGGOL

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with