^

PSN Opinyon

‘Sorry sa pagpatrolya sa aming karagatan’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

‘YANG pamagat ang tila mensahe ng Pilipinas sa Taiwan, sa paghabla ng homicide sa walong Coast Guards na nakapatay ng Taiwanese poacher nu’ng Mayo.

Taliwas sa naunang news leaks, walang tinangkang massacre ang Coast Guards. Anang NBI, hindi planado o binalak ang insidente. Lehitimong nagpapatrolya ang Coast Guards sa karagatan ng Pilipinas, 72 miles mula sa Balintang Island, sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas at malayo sa Taiwan. Namataan ang Taiwanese vessel na nagnanakaw ng laman-dagat. Hindi nanlilo o nambigla ang Coast Guards. Bumusina sila at lumapit, pero tumalilis ang poacher ship. Nag-warning shots ang Coast Guards, pero hindi huminto ang Taiwanese craft. Anang NBI hindi inabuso ng Coast Guards ang paggamit ng armas habang humahabol, dahil putol-putol, hindi tuloy-tuloy, ang putok. Ang ginamit na force ay para lamang pahintuin ang barko, kaya sa makina ang asinta, hindi para manakit o pumatay ng tao. Sa madaling salita, walang rason para isakdal sila nang murder.

Ganunpaman, dagdag ng NBI, mali umano ang paggamit ng Coast Guards ng armas. Hindi raw nila napatunayan sa video ng insidente na tinangkang banggain ng Taiwanese steel vessel ang kanilang fiberglass patrol boat; maaring napagkamalan lang nila na opensiba ang aktong pagtakas nito. At dahil dito, kakasuhan ng homicide ang walong nagpaputok, kabilang ang commanding officer at deputy.

Halatang napulitika ang kaso. Inaalo lang ng gobyerno ang galit ng Taiwan sa insidente. Natuwa ang Taiwan sa paghahabla, at binabawi na ang pagbawal ng dagdag-OFWs doon at iba pang economic sanctions. Pero walang pangako na rerespetuhin na nila ang karagatan ng Pilipinas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

ANANG

BALINTANG ISLAND

BUMUSINA

COAST

COAST GUARDS

GANUNPAMAN

GUARDS

HALATANG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with