MULA nang isiwalat ni Benhur Luy ang P10 billion pork barrel scam kung saan si Janet Napoles ang umano’y “utakâ€, araw-araw, may lumalabas na bagong detalye sa sistema ng pagkuha ng mga pondo mula sa gobyerno. May bagong opisyal o mambabatas na nababanggit. Dinedetalye kung paano ginamit ang kanilang pangalan o tanggapan, alam man nila o hindi, para makuha ang mga pondo para sa iba’t ibang bogus na proyekto.
Kaya naman isa-isa na ring lumalabas at itinatanggi na nakatanggap sila ng pera para sa mga nasabing proyekto tulad ng fertilizer. Iba naman ay naghuhugas ng kamay at nagpapahayag na hindi nila alam na ginamit na pala ang kanilang pangalan o tanggapan. May mga nagsasabing peke ang mga pirma sa mga dokumento kung saan humiÂhingi sila ng mga pondo. Sa madaling salita, habang lumalantad ang mga ebidensiya kung paano ipinatupad ang nasabing scam, ganundin ang pagtanggi ng mga nadadawit.
Madali lang iyan. Kung magsisimula na ang pormal na imbestigasyon sa “pork barrel scamâ€, at dapat lang habang nasa ilalim pa ng administrasyong Aquino, lahat ng tumatanggi na alam nila ang pinaggagawa umano ni Janet Napoles, tulad ng 44 na mayor na humingi umano ng P5 milyon sa Acef, ay dapat maging testigo laban sa kanya, hindi ba? Kung talagang wala silang alam at ginamit lamang sila, tumestigo sila sa imbestigasyon, o sa kaso kung masasampahan man. May iba pang nagbibigay ngayon ng detalye ng kanilang partisipasyon sa nasabing scam. Dapat maging testigo rin sila.
Ayon kay Luy, sinabihan daw siya ni Napoles at kaÂpatid nito na “hawak nila ang gobyernoâ€. Sa mga detalyeng lumaÂlabas ngayon, tila lumalabas na marami nga silang kilala sa gobyerno, para maging matagumpay ang kanilang panloloko. Kaya ba napakabagal ng pagkilos sa scam na ito? Dahil maraming kilala ang suspek? Kung ganun, magiging mahirap at matagal ang imbestigasyong ito. Maliban na lamang kung si Aquino mismo ang hihingi ng mga sagot. Kailangan may managot sa panlolokong ito. Pero kung ang mga nakalipas na scam ay wala pang nakukulong, paano kung ang pangunahing akusado ay “maraming kilala†sa gobyerno? Baka tinatawanan lang ang gobyerno at nagpa-party kung saan-saan, namimili nang mamahaling sasakyan at nagsa-shopping sa buong mundo!