National conference on legal education

SA Agosto 16 at 17 ay magtitipon sa Cebu ang law deans, law professors, experts at practitioners sa isang pambansang “high level” conference para sa ikaangat ng legal education.

Pangungunahan nina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Associate Justices Arturo Brion at Roberto Abad ang mga magsasalita sa conference. Mga retired justices, deans at iba’t iba pang stakeholders gaya nang malalaking law firm, mga public interest practitioners at mga foreign professors ang magsisilbing panel of reactors sa mahalagang mga input galing sa speakers.

Matagal nang hindi nagkakaroon ng ganitong uri ng conference on legal education. Sadya namang napapanahon na magmiting na ang mga kinauukulan. Sa dami ng mga abogadong nasasangkot sa iregularidad, hindi naiiwasang magtanong kung tama pa ba ang itinuturo sa mga law school. Ang asensong hatid ng globalisasyon ay isa pang dahilang pumipilit sa pagrebisa ng mga law curriculum. Hindi rin maitanggi ang pagkadismaya nang marami sa resulta ng bar exams. Last year ay 17.76% lang ang national passing percentage nito. Ihambing ito sa national average ng medical board exam sa nakalipas na five years na pumapalo ng mataas na 64.71%.

Tinatayang ang mga masinsinang diskusyon at ang pagbabahagi ng kaalaman ay pakikinabangan nang husto lalo na ng law schools na malayo sa sentro ng lipunan. Kahit kailan ay malaki ang maitutulong ng karanasan nang malalaking kolehiyo sa mga bagay na dekada na nilang napurbahan.

Ang conference ay gaganapin sa University of San Carlos School of Law bilang bahagi rin ng kanilang 75th year anniversary. Mismong ang Legal Education Board at ang Philippine Association of Law Schools ang namumuno sa paghatid ng kakaibang event na ito sa mundo ng legal education.

Sa mga interesadong makibahagi, magtanong sa official conference email na 2013legaleducationconference@gmail.com or bumisita sa kanilang Facebook community page.

 

Show comments