Krimen sa Caloocan matutuldukan na
NALULUNGKOT ako bilang residente ng Caloocan City na ang Monumento area ay nasa listahan ng Philippine National Police bilang “crime hotspotâ€.
Nang minsang nagkausap kami ng bagong alkalde ng lungsod na si Mayor Oscar Malapitan ay nabanggit ko ang mga talamak na snatching, holdup at iba pang klase ng street crimes na nakasisira sa imahe ng lungsod. Sabi niya, iyan nga ang prayoridad niya sa unang isang buwan ng kanyang panunungkulan: Alisin ang Monumento area sa listahan ng crime hotspots ng PNP.
“Dapat lang†sigaw ng barbero kong si Mang Gustin. Kasi daw, kapag nagpatuloy pa iyan, baka bumaba si Gat Andres Bonifacio sa kinatatayuan niya sa monumento at habulin ng itak ang mga kriminal.
Nauunawaan natin na dala ng kahirapan kaya nagaganap ang mga ganyang krimen pero hindi naman excuse iyan para pabayaan ang mga kriminal sa kanilang gawain.
Pinakilos na ni Malapitan ang Chief of Police ng lungsod na si Senior Supt. Bernard Tambaoan na dagdagan ang police visibility sa naturang lugar lalu na sa mga malls at bus terminals na doo’y talamak ang mga holdaper at snatchers. Round the clock daw ang magiging operasyon ng Department of Public Safety and Traffic Management na pinamumunuan ni Hilarion Castro para tiyaking protektado ang taumbayan sa naturang lugar.
Para sa akin higit na mahalaga ang police visibility. Kung maaaring gawin ding 24/7 para pigilan ang aktibidad ng mga kriminal. Pero komo talagang undermanned ang PNP, kailangan ang partisipasyon ng ibang ahensya tulad ng Traffic Management. Tiniyak naman ni Chief Tambaoan na nagtalaga na siya ng dagdag na unipormadong tauhan.
Bukod sa Caloocan ay idiÂnekÂÂlara ng PNP bilang hotspot sa kriminalidad ang lungsod kasama ang Baclaran at EDSA-Taft in Pasay City; University Belt area sa Manila; Aurora-EDSA sa Cubao, Quezon City.
Base sa datos ng PNP, ang Metro Manila ang nagtala ng pinaÂkamataas na crime volume total sa buong bansa sa unang quarter ng 2013. Gayundin, sa National Capital Region naganap ang halos 21 porsyento o 31,022 ng kabuuang 145,056 naitalang crime incident sa bansa sa parehong panahon.
- Latest