AYON kay Raul Hernandez ang DFA spokesman, dalawa lamang sa 13 nasangkot sa mga anomalya sa ating mga embahada sa Kuwait, Jordan at KSA ay mga taga- DFA. Ang 11 daw ay taga DOLE. Di maikaila sa mukha ni Hernandez ang kasiyahan dahil kakaunti lamang sa mga kapwa niya taga DFA ang nasangkot.
Tila nakakalimutan na ni Hernandez na ayon sa R.A. 8042 otherwise known as the Migrant Workers Act, ipinag-uutos na sa pagproprotekta ng mga OFWS, gamitan ng “Country Team Approach†at ang pinaka-team leader ay ang Ambassador. Ako ay nagbabantay at nagmamasid na kapag di-pinanagot at pinarusahan ang mga Amba sa usaping ito, sasampahan ko sila ng kaso sa Korte Suprema. Marahil di alam ng karamihan na kapag ang Ambassador ang kinasuhan, walang iba ang may jurisdiction kundi ang kataas-taasang hukuman ng ating bansa.
Noong July 29 nag-“Kontra SONA†ang minority sa Kongreso sa pangunguna ni Rep. Ronnie Zamora. Ayon sa kanya “We have to take a look again at labor contractualization.†Sa interpellation ko sa kanya, sinabi ko 38 years old na ang Labor Code na nagbabawal ng contractualization. Sabi ko kay Zamora, Let’s stop at just “looking†at it and criminalize it instead. Ang labor contractualization ang sanhi ng widening gap between the rich and the poor in this country. Ang mga nagpapairal ng contractualization ay naging mga tycoon na. samantala ang mga empleyado nila ay walang mga security of tenure na labag sa ating Constitution.
Maraming nagtatanong bakit “Amba’s Briefs†ang pa-ngalan ng kolumn ko. Brief ba daw yan as in underwear? Hindi po. Briefs ito as in maikli lang na mga pagpapahayag.
Brevity ika nga is the soul of wit.