^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang tulungan ang mga ‘bitbit-droga’

Pilipino Star Ngayon

SA kabila na apat na Pilipino na ang nabibitay dahil sa pagbibitbit ng droga sa China, wala pa ring nakukuhang leksiyon ang ilang Pinoy at patuloy pa ring nagbibitbit ng droga. Wala pa rin silang takot o pagkasindak man lang na maaari silang mahuli at sapitin ang dinanas ng apat na Pinoy na binitay sa China.

Noong Linggo, dalawang Pinay ang naaresto sa Hong Kong airport dahil sa drug trafficking. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nahuli sa kanilang luggage ang 14.5 kilos ng methamphe-tamine hydrochloride o shabu. Balak nilang dalahin sa Pilipinas ang shabu. Umano’y sa Clark, Pampa-nga sila bababa mula Hongkong. Ang mga Pilipina na hinihinalang magkapatid ay nasa edad 31 at 27. Ayon pa sa DFA, ang shabu na ipupuslit ay nagkakahalaga ng P60 million.

Agaran namang sinabi ng DFA na nakahanda silang magbigay ng ayuda sa mga nahuling “bitbit droga”. Inatasan na raw ang consular office sa Hong Kong para alamin ang kalagayan ng dalawang Pinay na “bitbit droga”.

Lagi na lang bang ganito na kapag may nahu-ling Pinoy na nagbitbit ng droga sa ibang bansa ay tutulungan ng gobyerno? Isa ito sa dahilan kaya malakas ang loob ng mga Pinoy na magbitbit ng droga. Mayroon silang inaasahan na makikiusap para mapababa ang kanilang sentensiya o kaya ay maligtas sa kamatayan. Kung laging ganito ang gagawin ng gobyerno, lalo pang darami ang susubok na magbitbit ng droga. Kapag nakalusot sa unang bitbit, uuliting muli hanggang sa mahuli na ng mga awtoridad.

Nang itakda ang pagbitay sa apat na Pinoy drug mules sa China, kandarapa ang pamahalaan sa pakikiusap sa Chinese government. Si Vice President Jejomar Binay ang nagtungo sa China para makiusap dala ang letter ni President Aquino. Pero hindi pinakinggan ang apela at binitay din ang mga Pinoy na bitbit droga.

Kailangang magkaroon ng matigas na babala ang pamahalaan sa sinumang Pinoy na magbibitbit ng droga na wala silang aasahang tulong. Alam naman nila ang batas ukol dito. Kamatayan ang kapalit ng drug trafficking. Sana, itigil ng gobyerno ang ganitong pag-ayuda sa mga magpupuslit o magbibitbit ng illegal na droga.

AGARAN

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DROGA

HONG KONG

NOONG LINGGO

PINAY

PINOY

PRESIDENT AQUINO

SI VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with