IPINUPURSIGE ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada ang malalimang imbestigasyon ng Senado sa tinaguriang “sex-for-flight†scheme o umano’y sekswal na pang-aabuso at pambubugaw ng mismong Philippine Embassy and Labor officials sa ilang distressed na kababaihang OFW kapalit ng pag-aasikaso sa kanilang repatriation.
Matatandaang lumutang ang impormasyon na ang naturang OFWs na nagkaproblema sa trabaho sa Middle East at pansamantalang naninirahan sa “halfway houses†ng Philippine government doon habang hinihintay na matulungan sila na makauwi sa bansa ang biniktima pa umano ng mismong mga opisyal.
Marami na umano sa mga ito ang inabuso at ibinulid pa sa prostitusyon ng mga opisyal kapalit ng plane ticket o upang makalikom ng pamasahe pauwi sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Jinggoy ang isinasaad sa Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) na “The repatriation of the worker… shall be the primary responsibility of the agency which recruited or deployed the worker overseas; … in cases where the principal or recruitment agency cannot be identified, all costs attendant to repatriation shall be borne by the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). An initial 100 million peso-emergency repatriation fund was established to repatriate OFWs…â€
Sa kanyang inihaing proposed Senate Resolution No. 97, sinabi ni Jinggoy na “It is incumbent upon the Senate to scrutinize and address this issue with the end in view of reviewing and strengthening our labor laws not only to give justice to the recent victims but also to prevent other OFWs from falling prey into the hands of the perpetrators of such or other similar schemes.â€
Masyadong nakakikilabot ang isyung ito. Lumalabas na sa halip na gampanan ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga nagkaproblemang OFW ay nagawa pa nila na abusuhin at pagkakitaan ang mga ito.
Kailangan talagang buÂsisiin ito nang husto, patawan ng mabigat na parusa ang mapatutunayang may-sala at magpatupad ng konkretong sistema at mekanismo upang mabigyan ng kumpletong proteksiyon at maayos na serbisÂyo ang mga OFW.