ALAM n’yo bang ipinagbibili na ngayon ni SaÂranggani Rep. Manny Pacquiao ang isa sa kanÂyang mga mansion?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating MMDA Chairman Bayani Fernando, Val Victa ng MBC-DZRH, Mr. Jimmy Serato ng Jimms Coffee, Karen Beltran, Bethany Resulta, Bro. Frederick Cerro, RC Asa ng KMU at Bro. Pabs Cervantes. Congratulations naman sa consecration and installation ni Bishop Joel Porlares ng Iglesia Filipina Independiente.
Ayon sa aking bubwit, dahil sa dami ng gastusin ni idol Manny Pacquiao, ipinagbibili niya ngayon ang kanyang mansion sa Forbes Park, Makati City. Bukod kasi sa bihira nitong mapuntahan ang kanyang mansion sa Cambridge St., North Forbes Park, umaaray na siya ngayon sa laki ng expenses.
Dahil sa dami ng mansion at bahay ni Pacquiao, ang kanyang mansion sa Forbes Park ay halos isang beses lang kung puntahan sa loob ng isang buwan. Ang mga nakatira lamang doon ay ang kanyang mga houseboy, kasambahay, driver at security guards.
Bukod sa kanyang mansion sa Makati, ipinagbibili na rin ni Pacman ang kanyang gym sa Sampaloc, Manila na pinatayuan pa ng building.
Ayon sa aking bubwit, sa dami ng mansion na kanyang mini-maintain, mga empleado, mga bodyguard, mga driver, mga consultant at mga kamag-anak na umaasa sa kanya, halos kalaha-ting milyong piso kada isang araw ang kanyang ginagastos. Wow, mauubusan nga ng kuwarta si idol lalo na kung wala naman siyang negosyo bukod sa pagboboksing.
Pero ayon sa aking bubwit, dahil gipit sa cash ngayon si Pacquiao, sinasabi ng kanyang mga tauhan sa Forbes Park na ipinagbibili lamang ngayon ang mansion sa halagang P45-million.