ISINUSULONG ni Mayor Joseph “Erap†Estrada na pagandahin nang todo ang Manila Zoological and Botanical Garden o Manila Zoo para maging tunay na world class educational and entertainment center.
Ang pasilidad, na may sukat na 5.5 ektarya at maÂtatagÂpuan sa M. Adriatico St., corner Quirino Avenue, sa Malate, Manila ay opisyal na binuksan noong Hulyo 25, 1959.
Ito ay isa sa mga pangunahing pasyalan hindi lang ng mga residente ng Maynila kundi pati na rin ng mga nagmumula pa sa ibang lugar ng bansa. Dito ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga bumibisita na makita, maobserbahan, at malaman ang ilang impormasyon tungkol sa “fauna and flora†o iba’t ibang hayop at halaman. Nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga bisita na makipag-interact sa mga hayop.
Sa pinakahuling tala, naglalaman ito nang mahigit 800 hayop mula sa 100 animal species (mammals, reptiles, birds) gayundin ng napakaraming halaman na kumakatawan sa libu-libong botanical species ng Pilipinas at South Pacific region.
Ilan sa mga atraksiyon sa Manila Zoo ay ang Big Dome, Tiger Cage, Big Mammal Cage, Crocodile Cage, African Veldt Cage, Reptile House, Adjacent Aviary, New Aviary, Koi Pond, Lagoon Cage, Goose Cage, Wildlife Rescue Center, Botanical Garden at marami pang iba
Ayon kay Erap, marami pang puwede at dapat ma-introduce na features sa 54-anyos na zoo. Makabubuti aniya na magkaroon din ito ng iba pang magagandang features na makikita sa mga katulad na pasyalan sa ibang bansa.
May mga nakausap na umano siyang investor na nais makipag-partner para sa naturang hakbangin. Partikular aniya rito ay ilang Singaporean nationals na nakahandang maglagak ng hindi bababa sa P500 milyong puhunan para sa rehabilitasyon at modernisasyon ng zoo. Nakatakda na umaÂnong talakayin ng Manila City council ang naturang hakbangin.
Dagdag ni Erap, titiyaÂkin niyang ang Manila Zoo ay mananatiling fully-accessible at affordable para sa mga taong nais bumisita, at mas malawak na educational and entertainment benefits ang mapakikinabangan dito.