ANG pakikipag-ugnayan, paglilingkod at pagkakaibigan ay mga ugat ng halamanan ng wagas na pag-ibig. Ito ang sinasabi nilang: A peace in the heart of the Christian Community.
Sa pag-anyaya ni Abraham sa tatlong lalaking kanyang nakita sa pintuan ng kanyang tolda ay isang magandang larawan ng pakikitungo sa kapwa: “Kung inyong mamarapatin, magtuloy po kayo. Magpapahanda ng pagkain para mapanauli ang lakas sa inyong paglalakbay.†Sa ating pananampalataya ay sinugo ng Panginoon sina Miguel, Gabriel at Rafael upang ipahayag ang dakilang biyaya ng Panginoon sa kabutihan ni Abraham. Sa kabila ng kabutihan nilang mag-asawa ni Sara at matapos makipagniig sa Panginoon ay sinabi ng panauhin: “Babalik ako isang taon sa ganito ring panahon at pagbabalik ko’y may anak na siya.†Ito ang pinagpalang kabutihan ng mag-asawa.
Kadalasan ay hindi natin mapagwari na sa ating kabutihan ay maraming biyaya ang Panginoon. Para bang ang mga magagandang buhay sa nakalipas ayon kay Pablo ay “ang hiwagang mahabang panahon ng lihim ay inihayag ngayon sa mga banalâ€. Iniibig tayong lahat ng Maykapal na kadalasan ay hindi natin mapagwari ang tuluyang biyaya Niya sa atin.
Maging sa buhay ng magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria na taga Betania ay isa ring magandang halimbawa ang ipinamalas ni Hesus sa kanila bilang tunay na kaibigan. Sa mga pagkaing ipinagkaloob nila kay Hesus ay napakalaki ring pagkain ang ibinalik Niya sa kanila. Lubusan ang pakikinig ni Maria sa turo at pangaral ng Panginoon. Ang pakikinig sa Salita ng Diyos ay lalong mabuti kaysa pagiging ligalig at abalang-abala sa mara-ming bagay tulad ng paghahanda ni Marta ng pagkain.
Ito’y mga pawang materyal at maglalaho. Ang pakikinig ni Maria ay nagturo sa kanÂya ng kabanalan. Ito ang nagpalalim sa tunay na pagiging kaibigan ni Hesus.
Naging matibay ito lalung-lalo na sa baha-ging espiritwal. Para bang ang pagkakaibigan nina Lazaro, Marta at Maria kay Hesus ay hindi lamang sa pagpunta ng Panginoon upang makikain matapos ang kanyang pangangaral kundi paghahatid ng kaliwanagan sa buhay nila.
Gen.18:1-10a; Salmo 14; Col1.:24-28 at Lk. 10:38-42