^

PSN Opinyon

Nagising sa katotohanan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAS minabuti pa ni BI Commissioner Ricardo David Jr., na magbigti este mali magbitiw na lamang sa kanyang tungkulin kaysa sagutin ang official letter ni Executive Secretary Jojo Ochoa kung bakit hindi dapat siyang isailalim sa administrative proceeding tulad ng ‘arbitrary and continuous detention constituting grave misconduct  and oppression.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tatlong araw siyang binigyan ni Ochoa ng pagkakataon para sagutin ang memorandum na ipinadala ng Mala­cañang pero sa halip na sagutin ito ay ‘resignation’ letter ang ibinigay ni David.

Sabi nga, guilty ba siya ?

Sa ginawang pagbibitiw ni David sa kanyang puesto sangkaterba ang nagtalunan, nagpalakpakan at ang iba ay nag-party pa dahil sa kaligayahan ginawa ng una matapos mabalitaan ng mga disgruntled employee ang mga tirada ni Ric.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka akala ni Commissioner hindi tatanggapin ni P. Noy ang kanyang inihain pagbibitiw. Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nawala yata sa alala ni David na sinabon na siya ni P. Noy noong Bureau of Immigration anniversary dahil sa mga kapalpakang nangyayari sa kanyang tanggapan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat noon pa siya nag-resign para hindi na siya mapahiya sa madlang people dahil sa mga nangyaring anomalya sa kanyang kaharian.

Ika nga, command responsibilities !

‘Kinakabahan na ba ang mga batang sarado ni David sa BI ?’ Tanong ng kuwagong manghuhula.

‘Paano yong mga binigyan niyang matinding kapangyarihan at mga outsider na pinasahod niya ng malaki ? Tanong ng kuwagong Kamote.

‘ dapat silang kalkalin at imbestigahan at ang iba naman ay i-lifestyle check.’ Tama ba Kojak ?

‘Paano iyong mga kumita ng million of pesos regarding sa reklamo ng DOT na inonse este mali overprice pala ng mga Immigration boarding Bay Service ang singil sa mga banyagang tourist na nakasakay sa ROYAL CARRIBEAN CRUISE SHIP .

‘Yan pa ang dapat kalikutin.’ Tama ba, Teody Pascual

Abangan.

Kawawang PNP

UNDER attack ngayon ang pamunuan ng PNP dahil sa pagkaka-tigok sa mga utak ng notorious Ozamis group na sina alyas ‘kulot’ at ‘kambal’ the other day kaya naman isasalang sa mainit na tubig amg mga police escort at mga back-up ng dalawang kriminal,

Marami ang nagsasabi na overkill o kulang sa palabok at hindi kapani-paniwala ang nangyaring rescue operation ng mga kasangga ng dalawang pinuno ng Ozamis group .

Sabi nga, drawing !

Katakot-takot na imbestigasyon ang gagawin ngayon para malaman ang buong katotohanan kung sinalvage ba o itatakas ang dalawang biktima.

Kawawa rin naman ang mga pulis pagdating sa mga bagay na ito oras na napatay ang mga bitbit nilang kriminal hindi na tuloy nila malaman kung ano ang dapat gawin sa mga notorious ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang ginawa ng Ozamis group sa kanilang mga naging biktima kung ano man ito sila-sila lang ang nakakaalam.

Basta ang alam natin imbestigasyon umaatikabo ang mangyayari sa mga darating na days.

Abangan

 

ABANGAN

BAY SERVICE

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

EXECUTIVE SECRETARY JOJO OCHOA

OZAMIS

PAANO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with