NAGLULUNDAGAN sa tuwa ang mga kaaway ng NoyÂnoy Aquino administration, karamihan mga katoto ni ex-President Gloria Arroyo. Lumabas kasi kamakailan ang Global Corruption Barometer 2013, batay sa surveys ng Transparency International. At sa 1,000 tinanong na Pilipino, anim sa bawat sampu (62%) ang nagsabing nagpatuloy o lumala ang corruption sa tatlong taon ni P-Noy. “Slogan lang naman ‘yang ‘Daang Matuwid’!†sigaw agad ng kampo ni Arroyo.
Namamalik-mata ang mga maka-Arroyo. Sa sinabi ng survey respondents na “nagpatuloy o lumala†ang katiwalian sa ilalim ni P-Noy, ang pinagmulan nila ay ang nakaraang admin ni Arroyo. Ibig sabihin, marumi rin ang kay Arroyo. Kung rerepasuhin, lahat nang maari ay pinagnakawan noon: Development Bank of the Philippines, rice imports, fertilizers, biik, helicopters ng PNP, militar, NBN-ZTE, atbp.
Pero totoo ngang nagpatuloy o lumala ang katiwalian kay P-Noy. Ito’y dahil sa maling palagay niya na lahat ng appointees niya ay malinis, at dahil malinis sila ay naglaho na rin lahat ng kawatan sa burokrasya. Aba’y laganap ang smuggling sa buong bansa, ang pagluluto ng public biddings sa riles at plaka ng sasakyan, at pagka-cartel ng mga kompanya ng langis. Pero sa isip ni P-Noy ay matuwid lahat dahil kapartido niya sa Liberal ang mga pinuno ng Bureau of Customs, Dept. of Transportation and Communications, at Dept. of Energy. Ayon sa Global Corruption survey, pulisya ang pinaka-tiwaling ahensiya.
Hindi lang sa ehekutibo ang katiwalian. Di kuntento sa kickbacks sa pork barrels ng Kongreso, pati operating funds ng Senado ay binulsa bilang Christmas bonus. Aregluhan pa rin ng mga kaso sa korte. At komisyunan pa rin sa mga kontrata sa Comelec.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com