TOTOO! Dalawang justices ang nagmamaniobra sa kaso ng Maguindanao Massacre. Ito ay sina Justice Delayed at Justice Denied. Oh, here I go again with my oft repeated joke. Sana’y tumalab ang satirikong joke na ito sa puso ng mga kinauukulan. Sa totoo lang, this is no joking matter. Seryosong usapin ito dahil baka mamatay na sa katandaan ang mga nasasakdal ay hindi pa maisilbi ang katarungan sa pamilya ng mga nabiktima ng mga ito.
Kinondena ng Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) ang di maintindihang pagkabalam sa Ampatuan massacre trial. Na magmula pa nang maganap ito noong 2009 ay hindi pa kinakikitaan ng liwanag ni kaunti. Bilang kabaro ng napakaraming mamamahayag na walang awang inutas sa masaker na ito ay sumusuporta ako sa ipinaglalaban ng FFFJ.
May kasabihan tayo na ang nababalam na hustisya ay ipinagkakait na hustisya. Kabilang ang Philippine Press Institute sa mga nagtatag ng FFFJ.
Anang FFFJ: “The deferment of the arraignment of two of the principal accused in the November 23, 2009 Ampatuan town massacre adds to the already long list of delays in the judicial process that for four years have thrown one obstacle after another in the path of credibly concluding the trial of those accused. Justice for the victims is the only sign that would demonstrate to the killers of journalists and other citizens of this country that they cannot keep killing with impunity.â€
Sina Sajid Islam at Akmad “Tato†na kapwa mula sa lahi ng Ampatuan ay may kasong 58 counts ng murder. Si Sajid Islam ay anak ng patriyarka ng Ampatuan na si Andal Sr. Siya rin ang Officer-in-Charge ng Maguindanao province nang maganap ang karumaldumal na masaker. Si Akmad “Tato†ay manugang naman ni Andal Sr. at kabilang din sa mga pangunahing akusado.
Ang isyu rito ay palagi na lang naide-defer ang arraignment sa kaso at hindi na natin idedetalye pa. Ayaw nating isipin na may kung anong klase ng kapangyarihan ang nangiÂngibaÂbaw at tila nakaÂbibili ng oras ang mga akusado. Delaying tactic kumbaÂga.
Hindi maliit na kaso ito ngunit ang mga nasasangkot ay mga personalidad na kilalang masalapi at may impluwensya. Kung hindi magtitigil ang mga delaying tactics na iyan ay baka magkakaroon ng maitim na batik ang buong justice system natin.