MAY nagparating ng impormasyon sa tanggapan ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada hinggil sa umano’y malagim na karanasang sinapit ng Pinay aerobics instructor na si “Jenny†noong Hulyo 7 sa Kuwait.
Si Jenny at dalawang kaibigan nito ay nagpunta noong araw na iyon sa Municipality Health Department sa Sharq, Kuwait upang asikasuhin ang kanilang civil ID cards.
Inabot na umano sila ng 30 minuto sa paghihintay doon pero wala pa ring nangyayari kaya iminungkahi ng dalawang kasama ni Jenny na iwan na lang muna nila ang kanilang mga dokumento sa kanilang mandoub o taga-asikaso ng papeles at saka na lang sila magpa-follow-up.
Dahil nakaiintindi at nakapagsasalita si Jenny ng Arabic ay siya ang kumausap sa mandoub (na isa umanong Egyptian). Pero nagalit ang mandoub at sinabing nanggugulo raw si Jenny.
Umalis sandali ang mandoub at pagbalik ay inihagis nito ang civil ID card ni Jenny sa sahig. Pagkatapos nito ay umalis uli ang mandoub at pagbalik nito ay may kasama nang Kuwaiti policeman. Tinawag ng pulis si Jenny, pinagalitan at sinegundahan ang sinabi ng mandoub na nanggugulo raw ang nasabing Pinay.
Nang nagpaliwanag si Jenny ay lalong nagalit ang pulis at sinabing binabastos daw siya nito. Pinapasok ng pulis si Jenny sa isang kuwarto at doon ay bigla umanong hinablot ang kanyang bag, mariing hinatak sa braso, sinabunutan at pagkatapos ay kinaladkad pababa sa hagdan.
Nagtamo nang maraming pasa at sugat sa ulo at katawan si Jenny at iniwan lang ng pulis ang kanyang duguang katawan na nakaÂlugmok sa sahig.
Tinangka ng mga kaÂibigan ni Jenny na tulungan siya pero hinadlangan sila ng mga staff ng establiÂsimento. Inabot pa ng ilang sandali bago nadala si Jenny sa ospital.
Kami ni Jinggoy ay nananawagan sa ating mga otoÂridad, partikular sa Philippine Embassy sa Kuwait, na alamin ang buong deÂtalye ng usaping ito at agad na tuÂlungan si Jenny at tiyakin ang hustisya para sa kanya.