2 bodyguards ng gov’t official, tagabitbit ng make-up kit at taga-alaga ng aso

ALAM n’yo bang taga-bitbit ng make-up kit at taga-alaga lamang ng tuta ang dalawang bodyguards ng isang opisyal ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Gov. Egay Tallado ng Camarines Norte; Judge Joey Vibandor ng Las Pinas RTC; Gen. Napoleon Estilles, Bro. Ryan Soler Calimbahin at Gen. Rodrigo “Rambo” de Gracia at Konsehal Mary Ruth Tolentino ng Makati City.

Ayon sa aking bubwit, maraming empleado ang galit ngayon sa isang opisyal ng pamahalaan dahil masyado na ngayong maarte matapos itong mapromote nang mapromote ay nagkaroon pa ng driver at bodyguards.

Meron daw siyang death threats kaya binigyan ng dalawang bodyguards. Kaya lang, nagmumukhang engot naman ang kanyang mga bodyguards dahil iba ang ginagawa.

Sa halip na maging alerto sa pagbabantay kay Madam ay naging tagabitbit lamang ng make-up kit yung isa at yung isang bodyguard naman ay taga-alaga naman ng toy dog.

Ayon pa sa aking bubwit, may ritwal pa ang alagang aso ni Madam dahil kailangan itong ipasyal ng bodyguard sa park sa loob ng kanilang compound tuwing 4:30 ng hapon. Kaila­ngang ipasyal tuwing hapon sa Freedom Park ang toy dog ni Madam official dahil kailangan nitong magpo-poo bago umuwi sa kanilang condo sa Serendra condominium sa Global City.

Ang nasabing opisyal ay sumikat noong mag-testify at umiyak pa sa impeachment case noon ni dating Chief Justice Renato Corona. Siya ay hinirang ni President Noynoy Aquino bilang commissioner ng isang government agency. Siya ay si Commissioner H. as in Hayahay.

Show comments