Not RH, but Constitutional CH sa PH
KAHAPON ay inumpisahan na ang debate sa Mataas na Hukuman sa constitutionality ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RH Law). Maraming matatapang at naninindigang mamamayan at public official ang nagtipon sa Padre Faura upang magÂmasid sa en banc session hall kung saan dinidinig ang mga oral arguments. Sa mga naghahanap ng nagpapakatotoo, sa Supreme Court nagkaalaman at naglabasan ang tunay na kulay ng mga supporter na magkatapat na panig.
Maging ang mga Mahistrado ay puwersado nang paÂngatawanan ang kanilang paniwala. Ang ilan sa kanila ay hindi maitatatwa ang kanilang relihiyon. Ang iba ay batid ang pressure na huwag hayaan ang kanilang personal na pananampalataya na makialam sa kailangang desisyon bilang hukom ng sibil na pamahalaan. A dami a tapang a tao.
Subalit para sa akin, ang pinakalalaki sa lahat kahapon ay walang iba kung hindi si House Speaker Feliciano Sonny Belmonte, Jr. nang ipinanukala niya bilang sole author ang resolusyong ikumpuni ang dalawang Kamara ng Kongreso para sa pag-amyenda ng mga economic provisions ng Saligang Batas. Nakakabilib ang tindi ng paniwala ni Speaker Belmonte na napapanahon na ang Constitutional Change. Matagal na ring napapag-usapan ang mga argumento pabor at laban dito at kung mayroon isang bagay kung saan nagkakaisa ang lahat, ito ay ang katotohanang hindi talaga magkakaisa ang lahat.
Lalo pang pinagulo ang usapan nang hayagang kinontra ng Palasyo ang hangaÂrin ng mga mambabatas na umÂpisahan na ang diskurso ng Constitutional Change. Talaga namang pangangatawanan ni P-Noy ang kanyang pagtutol sa anumang pagbabagong gagawin sa Konstitusyon na legacy ng kanyang bayaning ina.
Kung kaya malaki ang dapat ipagpasalamat kay Speaker Sonny. Sa ngayon ay hindi natin masasabi kung magwawagi ang kanyang panukala. Subalit maganda nang maumÂpisahan na ang pagtalakay dito nang hindi nating malimutan ang mga mahalagang isyung dapat tuÂunan ng pansin.
Kung sakaling matuloy din ito sa mga darating na panahon, hindi na tayo maninibago sa magaganap na pampublikong debate tungkol sa ating kinabukasan.
- Latest