MAGDARAOS ng Vendors’ Summit sa Maynila sa pa-ngunguna ni Mayor Joseph “Erap†Estrada.
Inaprubahan na ng City Council ang pag-convene ni Erap ng nasabing summit. Ang resolusyon para rito ay inisponsoran ni First District Councilor Dennis Alcoreza.
Tinatayang may mahigit 18,000 illegal vendors sa mga sidewalk, bakanteng lote at iba pang lugar sa Maynila.
May mga pumupunang sa nagdaang lokal na admi-nistrasyon umano ay nawalan na ng kaayusan ang mga kalsada sa Maynila at dumami ang illegal vendors, at ang mga ito umano ay nagiging sagabal na sa mga motorista, mga taong naglalakad gayundin sa operasyon ng mga lehitimong establisimento.
Natuklasan naman na tila sinadyang pinabayaang magulo ang sitwasyon ng pagtitinda sa kalsada at pinanatiling iligal ang maliliit na vendors dahil ginawa silang “gatasan†ng ilang opisyal ng City Hall at ng lokal na pulisya na nangongotong sa kanila.
Ayon kay Erap, isa sa mga prayoridad na gagawin niya sa kanyang “first 100 days in office†ay ang pag-aasikaso sa usapin ng vendors.
Kailangan aniyang balansehin nang husto ang usa-ping ito. Gagawan aniya ng solusyon ang problema ng mga motorista, pedestrian at mga establisimento, kasabay naman ng pagprotekta sa kabuhayan ng maliliit na manininda at pagtulong din sa mga ito na lumaki pa ang kanilang kita.
Unang hakbangin aniya kaugnay nito ay ang pagsugpo sa kotong. Pinag-aaralan din ni Erap ang pagtatakda ng “night market†sa istratehikong lugar kung saan ay maayos na makakapuwesto ang mga vendor at tiyak naman aniya na dagdagsa ang mga mamimili.
Ang iba’t ibang mga posibleng isagawang hakbangin hinggil sa usaping ito ay komprehensibong matatalakay sa Vendors’ Summit kung saan ay hihikayating dumalo ang lahat ng stakeholders o concerned na sektor.
Sabi ni Erap, “Ang maliliit na vendors ay bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Kabilang sa aking programa para ibalik ang sigla ng ekonomiya ng Maynila ay ang paghikayat sa bagong investors sa lungsod kasabay ng pagtulong sa mga kasalukuyang nagtitinda na rito.†sa Vendors’ Summit kung saan ay hihikayating duÂmalo ang lahat ng stakeholders o concerned na sektor.
Sabi ni Erap, “Ang maliliit na vendors ay bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Kabilang sa aking prograÂma para ibalik ang sigla ng ekonomiya ng Maynila ay ang paghikayat sa baÂgong investors sa lungsod kasabay ng pagtulong sa mga kasalukuyang nagÂtitinda na rito.â€