BILANG residente ng lungsod ng Caloocan, natutuwa ako sa pinasimulang paglilinis ng bagong Mayor na si Oca Malapitan. Sana’y magtuluy-tuloy ito. Si Malapitan mismo ang nanguna sa “Oplan Clean Agadâ€, isang kampanya ng kalinisan para sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Tulad ng ginawa ni Manila Mayor Erap Estrada, unang pinuntiryang linisin ang mga bangketa kasama na yung mga posters at tarpaulin ng mga politikong kumandidato noong May 13.
Aniya, “ang sidewalk ay para sa mga pedestrians, kailangan nating mapanatili itong maayos at ligtas upang ganap na mapakinabangan ng publiko.â€
Noong araw kasi, usung-uso sa Caloocan ang pag-kakabit ng mga politiko ng karatula ng pagbati kapag pasko, valentines day, graduation day at kung anu-anong araw pero ang layunin talaga ay ibandera lang ang kanilang mga larawan. Sana ay huwag nang masundan ang ganyang masagwang gawi ng mga politiko sa pa-mumuno ni Malapitan.
“Kailangan nating manguna dito at ipaalam sa mga taga-Caloocan at sa publiko na seryoso ang ating admi-nistrasyon sa pagsusulong ng kalinisan at kaayusan ng lungsod,†dagdag pa ng alkalde, kasabay nang paghimok ng suporta sa publiko.
Habang kasama sina Vice Mayor Maca Asistio, City Administrator Oliver Hernandez at Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) South chief Larry Castro sa pag-iikot, nakipag-diyalogo rin si Malapitan sa mga street vendor sa kahabaan ng Samson Road at Rizal Avenue at pinayuhan silang ayusin ang kanilang hanay upang hindi makaabala sa mga pedestrian o sa daloy ng trapiko.
“Kapag matigas ang ulo nila ay mapipilitan kaming alisin sila doon. Ang gusto ko sana makipagtulungan silang maayos (natin) ang siyudad,†aniya.
Bukod pa rito, inatasan din ni Malapitan ang Environmental Sanitation Ser vices at Engineering Office na tanggalin ang mga sabit-sabit na tarpaulin at streamer at linisin ang mga kanal at daluyan ng tubig.
Samantala, katulad na paglilinis din ang ginanap sa North Caloocan sa pamumuno ni Hernandez, North Manager Santi Sia at DPSTM North chief Jay Bernardo.