MAY MGA BIRO ng tadhana ang papasok sa iyong pintuan kahit walang pasabi. Kapag hindi mo ito inasikaso, sa bandang huli ikaw ang mababalikan.
Ganito ang kinakaharap ngayong problema ng 25 anyos na karpintero na si Florante “Tek†Saludario ng Eastwood Residence, San Isidro, Rodriguez, Rizal sa isang pangyayaring binalewala lamang niya.
Setyembre 6, 2011 nakatanggap ang kanyang ina na si Lourdes ng “Subpoena†para sa isang nagngangalang “Jay-ar Solidario†na naka-address sa kanilang bahay.
Ito ay kaugnay sa reklamong “Pangangaliwa†(“Adulteryâ€) mula kay Jovel Orbillo—41 anyos. Nakatira si Jovel kasama ng kanyang asawang si Jeanie—32 anyos sa Summit View, San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Nakipagtalo si Lourdes sa nagdala ng sulat(process server) sapagkat wala siyang anak na may pangalang “Jay-ar†at hindi rin “Solidario†ang kanilang apelyido. Pinirmahan na rin niya ang resibo sa pamimilit umano tagahatid mula sa “prosecutor’s office†na ito. Nung basahin ni Tek ang sinumpaang salaysay ni Jovel, nanlaki ang ulo ni Tek sa kanyang nabasang ibinibintang sa kanya.
Mayo 28, 2011, alas-9 ng gabi, dumating si Jovel ng kanilang bahay galing trabaho. Dumeretso siya sa kanilang kwarto upang magbihis. Pagbukas niya ng pintuan, nagulantang siya sa kanyang nakita.
Hubo’t-hubad umano ang kanyang asawa katabi ang isang lalaking kapwa wala ring saplot sa kanilang kama. Ang lalaki raw na ito’y si “Jay-ar Solidario†o si Tek. Ilang segundong napako sa kinatatayuan itong si Jovel hanggang dalahin siya ng mabibigat niyang yabag sa direksyon ni Jay-ar.
Bago pa man sumagi ang kanyang kamao sa mukha nito’y kumaripas ito ng takbo palabas ng bahay. Hinabol niya ito ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paghangos, siya’y natigilan at biglang naisip ang iskandalong idudulot nito. Binalikan ni Jovel si Jeanie. Gigil ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Gusto man daw niyang saktan si Jeanie dahil sa poot ay agad niyang inalala ang kanilang pamilya.
“Ano ba’ng nagawa ko!?,†halos mangiyak-ngiyak niyang nasabi sa harap ng asawa. Hindi kumikibo si Jeanie. Mabilis na nakapagdesisyon si Jovel.
“Handa akong kalimutan ‘tong mga nangyari basta’t ayusin natin ang pagsasama natin,†pagmamakaawa ni Jovel. Kinabukasan ay umayos ang lagay ng kanilang pagsasama na ani mo’y walang nangyari.
Kinagabihan nung Mayo 30, 2011 pag-uwi ni Jovel ng bahay, hindi niya nadatnan doon si Jeanie. Nag-antay ito hanggang sa maghating-gabi ngunit hindi pa rin ito umuuwi. Tumawag na siya sa kaibigan ni Jeanie na si Charmie Agnote upang itanong ang kinaroroonan ng asawa. Sinabi umano ni Charmie na si Jeanie raw ay natulog sa bahay nina “Jay-Arâ€. Nagpasama rin siya rito para sunduin ang asawa. Sa kabila nito, nakiusap pa rin si Jovel na magkabalikan sila.
“Pinapatawad na kita, lumayo na lang tayo at mag-umpisa tayo ng panibago,†sabi ni Jovel.
“Tama na! Hindi na kita mahal! May nangyari na sa’min ni Jay-ar at hindi lang isang beses, dalawang beses! Marami nang beses!,†sabi umano ni Jeanie. Ang insidenteng ito ang inirereklamo ni Jovel laban sa kanilang dalawa.
Palaisipan kay Tek kung siya ba talaga ang tinutukoy na “Jay-ar Solidarioâ€. Tahas niyang itinatangging siya ito.
Oktubre 2011 nung nagkaroon ng “preliminary investigation†at tanging ang mag-asawang sina Jeanie at Jovel ang dumalo at hindi sumipot si Tek.
Hindi niya sineryoso ang natanggap na demanda at wala siyang dinaluhang pagdinig. Ito ay sa pag-asang lilipas lang ito dahil akala niya’y “mistaken identity†lang ang lahat nangyari.
“Hindi ako natakot kasi hindi ko naman sila kilala, at wala naman akong kasalanan. Bakit naman ako sisipot do’n!? Eh kung mas lalo akong madamay? Mas lalo pa akong madidiin,†ani Tek.
Hanggang nung Enero 18, 2012 lumabas ang resolusyon ni Senior Asst. Provincial Prosecutor Elena Amano at nakitaan ng “probable cause†ang mga naihaing ebidensya para sa kasong “Adultery†laban kay Tek at Jeanie.
Ayon dito sa resolusyon, “His failure to appear during preliminary investigation rendered evidence against him to stand uncontrovertedâ€.
Abril 10, 2012 nagpiyansa sa halagang 6,000Php itong si Tec.
Hunyo 21, 2012 binasahan ng sakdal si Tek at nag plead siya ng “NOT GUILTYâ€.
Sinabi ni Tek sa amin na naka-“overtime†siya nun Mayo 28, 2011 sa kanyang trabaho kaya’t imposible umano ang akusasyon ni Jovel. Mapapatunayan niya raw ito sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Sa kontra-salaysay ni Jeanie, itinatanggi niya ang lahat ng akusasayon ni Jovel. Sinabi niyang kaya niya iniwanan si Jovel at hindi na umuwi ay dahil sa kanyang pambubugbog umano sa kanya sa harap ng kanilang dalawang anak. Bilang katibayan, pinakita niya ang reklamo niya sa baranggay nung Hulyo 6, 2011 ukol dito. Buwelta ni Jovel, Hunyo 4, 2011 pa lamang ay inulat na niya sa baranggay ang tungkol sa pagkakahuli niya sa dalawa na parehong walang saplot sa kanilang kwarto. Nagsumite siya ng kopya ng “brgy. blotter†bilang katibayan.
Nais ni Tek na matuldukan na ang nangyaring gusot sa buhay niya. Aniya, hindi niya kakilala itong si Jeanie at isang masamang biro na siya ay mapagkamaliang kalaguyo nito.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para sa Lahat†ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00 ng hapon mula Lunes-Biyernes, at Sabado ng 11:00am-12:00nn) ang kwentong ito ni Tek.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa naging sitwasyon dito’y walang ibang magagawa ang kagalang-galang na prosecutor kundi isampa ang kaso sa korte dahil walang kontra-salaysay na isinumite ang akusado(Tek).
Alibi lang ang depensa nitong si Tek na ‘hindi raw siya yun’.
Ang mabigat ay sa isang paglilitis sa harap ng lahat ng tao sa korte, positibong naituro siya ng nagrereklamo. Ang pagkakakilala sa kanya ay mananaig sa harap ng alibi na depensa nitong si Jovel.
Maganda ring tignan ng abogado ng akusado yung araw na nahuli umano sila na nakahubo’t hubad sa kwarto (Mayo 28, 2011) at kung kelan isinampa ang kaso (Agosto 10, 2011).
Yung mga panahong lumipas na sila’y nagsama pa bilang mag-asawa ay maaaring makunsidera na nagkaroon ng “condonation†o pagpapatawad sa pangyayari sa pagitan ng mag-asawa. Ano pa man, ang kagalang-galang na hukom ang may huling salita sa kasong ito at nasisiguro kong ang kanyang desisyon ay mababatay sa “legal tenet†na “beyond reasonable doubtâ€.
(KINALAP NI PAULINE VENTURA) Sa gustong dumulog, ang aming mga numero ay 09213263166, 09198972854, 09213784392 at 0906-7578527. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com