AIDS: Safe ka ba?
MULA pa noong 2008, dumarami na ang Pilipinong nagkakaroon ng HIV-AIDS. Ayon kay Dr. Alberto Romualdez, nakababahala ito dahil magastos at matagal ang gamutan sa pasyenteng may AIDS. Kapag lumala ang AIDS epidemic, posibleng malubog ang bansa natin sa utang.
Ano ang HIV infection at AIDS?
Ang sakit na ito (mula sa HIV virus) ay nag-uumpisa bilang HIV infection, kung saan ang pasyente ay wala pang nararamdaman. Pagkalipas ng ilang taon, posibleng tuluyang sirain ng HIV virus ang immune system ng katawan. Kapag bumagsak na ang resistensya ng pasyente, magkakaroon na ng sintomas ng paglalagnat, pag-uubo at pamamayat. Ito na ang tinatawag na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Hanggang ngayon, wala pang permanenteng lunas para sa AIDS. Ang mga gamot sa AIDS tulad ng ARVs (anti-retroviral medications) ay nagpapabagal lamang ng pagÂlala ng AIDS. Karamihan ng pasyente ay namamatay pa rin.
Saan nakukuha ang AIDS?
Dahil dito, mas mahalagang matutunan natin ang pag-iwas sa HIV virus. May tatlong paraan kung paano nakukuha ang HIV virus.
1. Sa sex. Puwede kang mahawahan kapag ika’y nakipag-sex sa isang taong positibo sa HIV virus. Sa mga hindi gumagamit ng condom, halos 80% ng kaso ng HIV-AIDS ay nagmumula sa unsafe sex.
2. Paggamit ng karayom. Ang mga drug addicts na naghihiraman ng mga needles at injections ay puwedeng magka-AIDS. Ang pagsasalin ng hindi malinis na dugo ay isang paraan din (infected blood via blood transfusion).
3. Pagpapanganak at pagpapasuso ng sanggol. Kapag ang nanay ay positibo sa HIV virus, puwede niyang
maipasa ang HIV sa kanyang sanggol. Kailangan magpa-check ang nanay at mabakunahan ang kanyang sanggol.
Ayon sa Department of Health, may limang paraan para makaiwas sa AIDS:
A: Abstinence. Umiwas muna sa sex.
B: Be faithful sa iyong asawa.
C: Careful sa sex. GumaÂmit ng condom kung kiÂnaÂkailangan.
D: Don’t share needles. Umiwas sa drogang ini-injection sa katawan.
E: Education. Alamin ang paraan para makaiwas sa HIV-AIDS. Mag-ingat po tayo.
- Latest