BINIBIGYANG-DAAN ko sa kolum na ito ang isang mahalagang impormasyon upang magsilbing paalala sa mga kababayang namamasukan bilang kasambahay sa ibang bansa.
Ipinarating sa tanggapan ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada ang balita hinggil sa nadiskubÂreng isang rape-and-prostitution scheme sa Hawalli, Kuwait na ang binibiktima ay mga kasambahay. Isa umanong retiradong opisyal ng Marines na may nob-yang Pinay ang suspek sa nasabing pambibiktima.
Ganito umano ang modus operandi: yung nobyang Pinay, kasabwat ang dalawa pang kababayan, ay kumakausap sa mga kasambahay sa iba’t ibang lugar at hinihikayat ang mga ito na iwan na nila ang kanilang kasalukuyang trabaho at ipapasok daw sila sa mas magandang trabaho sa coffee shop na ang suweldo ay 150 Kuwait Dinar. Kapag naengganyo ang kasambahay ay pinapupunta nila ito sa kanilang apartment o flat sa Hawalli.
Sinabi ni Mar Hassan ng Philippine Embassy sa Kuwait: “Once they get to the flat, the suspect rapes our kababa-yans and he sells them later on to another Kuwaiti national, who owns a coffee shop who also rapes them.â€
Nailigtas kamakailan ng Philippine Embassy sa Kuwait sa pangunguna nina Charge d’ Affaires (acting ambassador) Raul Dado at Labor Attache’ Des Dicang ang walong kasambahay na Pinay. Ang rescue operation ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng Pilipino community sa Kuwait na kinabibilangan ng aktibong lider nito na si Dr. Chie Umandap.
Dagdag ni Mr. Hassan: “We would like to call on our kababayans especially those who are working as household workers to please don’t believe and trust people easily when they lure you to escape and work outside… please don’t be enticed by job offers of unscrupulous individuals
so you will not end up in trouble.â€
Ayon kay Jinggoy, dapat alamin ng mga opisyal ng Philippine government ang lahat ng detalye ng naturang isyu. May posibilidad kasi aniya na ang ganitong sitwasyon ay nangyayari rin sa ibang bansa kung saan ay maraming Pilipinang namamasukan na kasam-bahay.