TINATAYANG 10 milyon na ang overseas Filipino workers (OFWs).
Maraming nagiging kaganapan sa iba’t ibang bansa, may ilang negatibo pero mas marami pa rin ang positibo. Ang lahat ng mga ito ay itinuturing na mga bagong pagsubok at sa gitna naman ng mga ito ay nananatiling matatag ang OFWs.
Ang usapin ng OFWs ay napakamalapit sa puso ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada.
Sa kanyang pamumuno sa Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ay isinulong niya ang maraming panukalang batas at resolus-yon para sa kapakanan ng OFWs at kanilang pamilya.
Ipinursige niya ang pagpapalakas ng proteksiyon at pagkilala sa mga karapatan ng OFWs sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan at personal na inilapit sa mga opisyal ng iba’t ibang bansa ang “labor agreements†at “labor diplomacy†bilang gabay sa work relation ng OFWs at employers.
Mula noon, ang OFWs ay patuloy na nagtataguyod ng pag-unlad ng kanilang pamilya pati na rin ng ating bansa.
Mismong ang World Bank at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nagsabing ang OFWs ang pinaka-ma-laking sektor na nagsusulong ng ekonomiya ng Pilipinas at ito rin ang nagsalba sa bansa sa pananalasa ng global financial crisis noong 2009.
Sinabi nga noon ni World Bank country director Bert Hofman na nakaligtas ang Pilipinas mula sa “worst of the 2009 global crisis†dahil sa napakalaking remittance ng OFWs.
Noong Hunyo 7, ipinagdiwang ang ika-18 taunang Migrant Workers’ Day sa bansa. Ang tema ngayong taon ay “Migranteng Pilipino: Tayo ay Magkasama sa Pag-abot sa Pangarap Mo.†Ang okasyon na tinatawag ding
Araw ng Pasasalamat ay pagpupugay sa pagsasabatas ng Migrant Workers Act of 1995 (Republic Act 8042).
Ayon kay Jinggoy, ang pagkilala sa OFWs bilang mga bagong bayani ay lalong dapat pag-ibaÂyuhin ng pamahalaan sa pamamagitan ng pag bibigay ng pinakamahuÂsay na serbisyo at suporta sa kanila at sa ka nilang pamilya.