ALAM n’yo ba na mayroong batas na nilagdaan si Pre-sidente Aquino na nakapangingilabot? Ito ang RA 10574 na nagbibigay karapatan sa mga dayuhan na hawakan at kontrolin ang mga bangkong rural sa bansa. Hanggang 60 porsyento o controlling stock ang puwede ariin ng mga dayuhan.
Sa obserbasyon ng ilan, lumilitaw na ang mga dayuhang bansa katulad ng United States at iba pa na may interes sa Pilipinas ay malayang nakukuha ang kanilang kapritso dahil pulos pabor sa kanilang interes ang ating mga batas.
Ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Iyan kaya ang dahilan kung bakit ang mga nagsipagwaging mambabatas sa ating Senado ay mga kaalyado ng admi-nistrasyon? Wika nga, upang ang mga panukalang batas na pabor sa mga dayuhan ay malayang maisabatasâ€.
Isipin na lang na kapag kinontrol ng mga dayuhan ang mga bankong rural peligroso ang kalagayan ng mga magsasakang nagsangla sa kanila ng lupa. Kapag di sila nakabayad ay puwedeng kamkamin ng dayuhan ang kanilang lupain.
Anang ilang sumasalungat, ito ay labag sa Konstitusyon dahil salungat sa ibang umiiral na batas na hindi ubrang mag-ari ng lupa sa Pilipinas ang isang dayuhan. Marami tuloy ang napapaisip: Ang gobyerno ba ay para sa taumbayan o para sa mga dayuhan? Sana, sana lang mali ang namumuong hinalang ito sa isip ng mamamayan. Nakaraos ang midterm elections na batbat ng kontro-bersya at iregularidad pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unting nalilimot ng tao ang seryosong usapin. Ni hindi nagpahayag ng pagkaba-hala ang administrasyon.
Ilang halimbawa pa ng mga kuwestyonableng exeÂcutive order o batas ay ang EO-79 na salungat sa umiiral na Mining Act of 1975. Nariyan din ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA). Kung hindi papansinin ito ng mga mamamayan, tayo mismo ang kawawa.
Sa harap ng mga pangyayaring ito, naghihinala ang iba na baka ang gob-yerno natin ay minamanipula ng mga dayuhang may ves-ted interest sa ating lupain.
Kahit saang sulok ng mundo, may mga tinataÂwag na lobby groups na gumagamit ng impluwenÂsya sa mga lehisÂlatura upang maisulong ang mga batas na gusto nilang ma pagtibay kapalit ng pabor o pera. Sana’y manaig ang makaba-yang prinsiyo sa ating mga pi-nagpipitaganang mambabatas.