MERONG video camera ang coast guard patrol boat na nakipagtagisan kamakailan sa Taiwanese poachers para i-record ang katotohanan. Pakay nu’n mai-tape ang kabayanihan o katarantaduhan. At nagawa nga. Kita umano sa video na tumatakas ang poaching vessel, na pinapuputukan ng mga naghahalaklakang coast guards. Nabistong mali ang magkabilang panig, pero mas grabe ang isa.
Dapat kabitan din ng video cams lahat ng patrol vehicles at presinto ng pulisya. Lalo kasi’t itatalaga na ang patrolmen na mampara ng mga hinihinalang lasing o langong nagmamaneho. At aarmasan pa sila ng Metro Manila Authority ng Taser high-voltage stun guns bilang proteksiyon laban sa lokong motorista.
Makikita sa videos kung tama ang ginagawa ng mga pulis, o kung nangingikil lang sa mamamayan. Maipapatularan ang mabubuting asal; ang pang-aabuso ay magagawang ebidensiya sa kasong kriminal o admi-nistratibo.
Maititigil ng videos ang pag-aaksaya ng motorcycle cops ng pondong-bayan sa pag-escort ng mga epal na politiko at daan-daang libing araw-araw. Mare-record kung manlaban, tumakas, o manuhol ang kriminal.
Nagpapayo parati ang pulisya sa mga may-ari ng tindahan o bahay, administrador ng gusali at paaralan, at pati mga kura paroko na magkabit ng CCTV (closed-circuit television) cameras para sa seguridad ng kanilang lugar. Dapat sumunod ang pulisya sa sariling salita. Tutal, pamura na nang pamura ang CCTVs at digital video recorders (DVRs).
Hindi ito bagong ideya. MaÂpapanood ang galing at gilas ng pulis sa America at Europe sa mga na-video para sa TV series na “C.O.P.S.â€
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com