^

PSN Opinyon

‘Harapan na barilan’ (Ikalawang bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Biyernes ay itinampok namin sa aming pitak ang tungkol sa kasong kinaharap ni dating Lieutenant Colonel Arturo “Art” Apud ng Philippine Air Force o PAF.

Nahatulan siyang “GUILTY” sa sala ni Air Judge Advocate Col. Caridad J. Aguilar sa kasong “Homicide” under Article 249 of the Revised Penal Code in relation to Articles of War (AW) 96 and 97(“Conduct Unbecoming of an Officer and a Gentleman” at “Conduct Prejudicial to Good Order and Military Discipline”).

Kaugnay ito sa kanyang pagbaril kay Capt. Jesus “Jess” Mario Fernandez na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong Disyembre 15, 2007. Naganap ang insidente sa kanilang kampo sa Sumisip, Basilan.

Pagtatalo ang dahilan na pinatotohanan ng mga testigo at ebidensyang iniharap ng prosekusyon, ngunit iba naman ang bersyon na ipinupunto sa depensa ni Art sa tunay na mga naganap nung gabing iyon.

Ala-una y medya ng tanghali pa lamang ayon kay SSgt. Redentor Sampol at A2C Neil Ancog, nakita na nilang umiinom ng tuba si Jess sa barracks. Inaya pa umano si SSgt. Sampol ni Jess na maki-inom sa kanya.

Bandang alas-8 ng gabi, nanonood silang lahat kasama ni Art ng telebisyon sa loob ng barracks. Biglang dumating si Jess doon para maghapunan sa “mess hall”(kainan). Habang kumakain ito, nagsimula itong magparinig.

“Malaman ko lang kung sino ang nagsumbong sa’kin, hindi na makakalabas ng Basilan,” pagbabanta umano ni Jess.

“Relax ka lang Jess, andito naman ako, ako na ang bahala sa’yo,” pagpapakalama umano ni Art kay Jess.

Hindi pa rin nagpaawat si Jess at pauli-ulit pa rin sa pagpaparinig ng banta. Hanggang sa nairita si Art at nilapitan si Jess.

“Ano ba talaga ang  gusto mo Jess?,” tanong ni Art.

“Ikaw, sir.. gusto mo dwelo?,” sagot umano ni Jess sa kanya. Agad na nagkanya-kanya na daw ng tago ang mga kasama nila sa barracks. Nagmamadaling pumunta si Jess sa kanyang higaan.

Lumabas naman si Art at ayon sa kanya, bilang paghahanda ito sa ano mang planong gawin ni Jess, kaya’t kumuha siya ng baril at nagtungo malapit sa container van.

Ayon sa mga nasa loob ng barracks, bumalik pa si Jess papunta sa mesa para tapusin ang pagkain ngunit napuna nilang sukbit na nito papaharap sa kanyang dibdib ang kanyang M-16.

Dalawampung minutong naghintay si Art mula sa kanyang pinuwestuhan, bago niya nakitang lumabas na ng barracks si Jess.

Nais umano niyang subukang kausapin si Jess upang alamin kung ano ang problema nito ngunit nagtungo ito sa kanyang pwesto at humarap sa kanya.

“Andito ka pala sir.. tuloy na ang  dwelo,” sabi umano ni Jess sabay inumang sa kanya ang M-16 at aktong kakalabitin na ang  gatilyo. Umiwas pakanan si Art at nahawakan ang dulo ng baril, at agad niyang kinalabit ang kanyang baby armalite kay Jess.

Kasunod na bumulagta si Jess sa kanyang harapan at kinuha na niya ang M-16 na nakasabit kay Jess. “Lumabas na kayo, may tama si Jess! Nasa’kin na ang baril niya,” sigaw ni Art sa mga kasama.

Naharap sa “Court Martial proceedings” itong si Art. Matapos na dinigin ang kanyang kaso, dinisisyunan ng hukom ito at nasintensyahan ng “GUILTY”. Pinatawan siya ng parusang pagkaka-alis mula sa serbisyo, pagtanggal ng mga benepisyo, at pagkakabilanggo ng anim na taon sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kinuwestyon ng kampo ni Art sa tulong ng kanyang abogadong si Atty. Apollo Atencia ang paglalagay sa akusado sa New Bilibid at ang anggulo ng “self-defense” na sa kanilang palagay ay hindi binigyang timbang ng hukom.

Bunga nito, nung Enero 14, 2011 hiniling ni Atty. Atencia na repasuhin (“Petition to Review the recommendation of the Air Judge Advocate”) ang  desisyon ng korte sa CSAFP o Office of the Chief of Staff, AFP.

Ang mga nakita ni Atty. Atencia na mga pagkukulang sa desisyon ay, naniniwala siya na hindi nabigyan ng isang masusing pagsusuri ang mga napag-usapan sa korte kaya’t hiniling na muling tingnan ang mga ebidensyang iprinisinta sa hukuman na naging batayan para sa rekomendasyon ni Air Judge Advocate Col. Aguilar, na sinang-ayunan ng PAF General Court Martial na “GUILTY” ang akusado at ang mga pataw na parusa. Hiningi nilang lumikha ng Board of Review sa ilalim ng TJAG para sila ang gumawa ng muling pag-aaral sa kaso.

Ikatlo, iginiit na may “misapprehension of facts and mistrial of issues”. Ito ay dahil hindi kinunsidera ni Air Judge Advocate ang anggulo ng “self-defense”. Ipinunto ni Atty. Atencia na dalawang beses na ipinutok ng biktima ang kanyang M-16. Sinubukan ni Jess na matanggal ang baril sa pagkakahawk ni Art para iputok muli dito, ngunit siya ang pinaputukan ni Art, dahil alam ni Art na ito ang kanyang tanging kaligtasan para mahinto si Jess.

Makikita umano sa “autopsy report” na sa tiyan ang tama ng biktima at hindi sa dibdib—bagay  ng pinalalabas ng prosekusyon.

Ipinunto rin na nagkaroon ng “previous unlawful and unprovoked aggression” na ginawa ang biktima laban sa akusado na naglagay kay Art sa alanganing posisyon.

Binigyan niya ng diin na may mga elemento ng “self-defense” ang mga pangyayari sa bahagi ng akusado. Una, (1)“reasonable necessity of the means employed” o kinailangang hintuin dahil walang ibang pwedeng paraan(to “maim” the aggressor). Ikalawa, (2)“lack of sufficient provocation” o walang sapat na dahilan para pagtangkaan niyang patayin ang akusado.

Panghuli, kinuwestyon ang sakop ng Military Court para maglitis sa kasong ito. Alinsunod sa RA 7055 o Civilian Supremacy Law, kung saan nakalagay ang mandato na ang mga krimen na walang kaugnayan sa serbisyo militar tulad ng “Murder”, ay dapat na nililitis sa “civil court”.

Bagamat malinaw na naihayag ng kampo ni Art ang lahat ng mga ito, naglabas na ng opinyon ang CSAFP at pati na rin ang Dept. of National Defense o DND ukol sa usaping ito. Kanino sila pumanig?

 ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa MIYERKULES  dito EKSKLUSIBO sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON

 (KINALAP NI PAULINE VENTURA)

Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

AIR JUDGE ADVOCATE

AIR JUDGE ADVOCATE COL

ART

ATENCIA

JESS

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with