Binata, bumangon ka
“ANONG ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang ako’y sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?†Ito ang hinanakit ng isang babaing balo, na ang kanyang inaasahang anak na lalaki ay namatay pa.
Sa unang panahon ang tanging pag-asa ng mga babaing balo ay ang kalinga ng kanyang mga anak, lalung-lalo ang binatang anak. Kaya hinagpis ng isang balong ina kay Elias na namatay pa ang anak na lalaki na kanyang inaasahan. Kaya sa laki ng habag ni Elias sa ina ay hindi siya tumigil sa panalangin: “Panginoon, aking Diyos, hinihiling ko po na mangyaring ibalik ninyo ang buhay ng batang itoâ€. Nabuhay ang bata. Sinabi niya sa ina: “Narito ang anak mo, buhay na siyaâ€.
Maging si Pablo ay buong pusong nagpasalamat kay Hesus na nagbigay sa kanya ng panibagong buhay. “Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinaÂwag upang maging lingkod niyaâ€. Sa ating pagiging makasalanan ay para ba tayong namatay sa pananampalataya at tanging si Hesus ang nagbibigay sa atin ng panibagong-buhay sa kabutihan at kabanalan.
Napaka-laking hinanakit ng babaing balo sa pagka-matay ng kanyang anak na binata na tanging pag-asa niyang bubuhay sa kanya. Sa makabagong panahon naman ngayon ay tanging ang mga balong ina o kaya naman babaing hiniwalayan ng asawa ang tanging bumubuhay sa mga anak lalung-lalo na sa ating bansa na pahirap nang pahirap ang napakaraming mamamayan at payaman naman nang payaman ang nasa kapangyarihan lalo na ang nasa pamahalaan.
Binuhay din ni Hesus sa ebanghelyo ang binatang namatay na tanging pag-asa ang kanyang balong ina. Ipanalangin din natin kay Hesus si Pilipinas na katulad ng isang balong ina na walang ibang inaasahan kundi si Hesus na magbibigay ng panibagong buhay sa mga batang Pilipino na namatay sa kanilang mga pag-asa upang buhayin ang Inang bansa. Hilingin natin kay Hesus na sabihin kay Pilipinas: “Huwag kang tumangis Binatang Pilipino, bumangon kaâ€. Dumating sa atin ang isang dakilang prope- ta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!â€
1Hari 17:17-24; Salmo 29; Galacia 1: 11-19 at Lukas 7:11-17
- Latest