SA LIBLIB na lugar kung saan hindi maipatupad ang batas ng tao, ang bangis at tapang ng dulo ng baril ang mamayani. Matira ang matibay at ang huling nakatayo ang matataguriang hari sa lugar na iyon!
Sa isang kampo ng sundalo sa Basilan, kung saan ikaw ang may pinakamataas ng ranggo, kapag mahina ang loob mo lalamunin ka ng mga tao sa ibaba at mabilis na mawawala ang respeto sa kapangyarihan ipinagkaloob sa iyo.
Marahil ito ang naramdaman ni dating Lieutenant Colonel Arturo “Art†Apud ng Philippine Air Force o PAF(Hukbong Himpapawid ng Pilipinas) kaya’t nauwi sa isang madugong engkuwentro ang isang pangyayari sa kanyang buhay.
Sumiklab ang karahasan sa Tumahubong, Sumisip, Basilan noong Disyembre 15, 2007.
Iba’t-iba ang bersyon ang lumabas. Meron nagsasabing dwelo… ang iba ay Murder. Para kay Col. Art pagtatanggol sa sarili at sa kanyang mga kasamahan (‘complete self defense’) ang nangyari. Ang mga sumusunod ang nilalaman ng testimonya na ipinasa sa korte ng mga tumayong testigo laban kay Art sa nangyaring insiÂdente ng pagbaril kay Capt. Jesus “Jess†Mario Fernandez.
Ayon kay SSG Rogelio Potestas, bandang alas-8 ng gabi kasalukuyan silang nakaposte malapit sa TARBIDS Compound nung mapansin nila si Art na naglalakad patungong barracks.
Nakuha ang kanilang atensyon nito nung makita nilang inaawat si Art nina SSgt. Galves at A1C Glenn Baquing ngunit ayaw umanong papigil ni Art sa mabilis na paglakad nito tungo sa isang direksyon.
Diretso ang tingin na pumusisyon si Art malapit sa puno ng Mahogany at maya-maya ay lumipat sa likuran ng pison at narinig nilang nagsabing, “Dito pa lang kaya ko na siyang patamaan,â€.
Nung makapwesto na, nakita nila si Jess na lumalabas mula sa barracks. Katatapos lamang nitong kumain ng hapunan mula sa “mess hallâ€(canteen).
Natantya na nila ang siklab sa pagitan ng dalawa nung makita nilang naglakad si Jess patungo sa kinalulugaran ni Art habang sukbit paharap sa kanya ang kanyang M-16.
Nung magkaharap na ang dalawa, narinig nina SSG Constantino Tuldanes at A1C Ricky Gonzales na nagsalita si Art kay Jess.
“Ano Jess?,†sabi ni Art sabay itinutok umano ang nguso ng kanyang baby armalite sa dibdib ni Jess.
Mula dun nakadinig sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril at nakita nilang bumagsak si Jess sa harap ni Art.
Nakita nilang bumulagta si Jess tatlong metro mula sa pison at wala nang buhay. Sunod na tinatanggal na ni Art ang M-16 na nakasabit kay Jess.
“Lumabas na kayo!,†sabi umano ni Art sa mga kasamahan.
“Patay na si Jess! Nabaril ko siya! Nasa akin na ang baril niya, i-custody mo ako!,†sabi umano ni Art kay Maj. Emmanuel Bello na noo’y kagagaling lang sa pagra-radyo. Kasabay nito’y isinuko ni Art ang kanyang baril kay Maj. Bello.
Sa lahat ng mga kasamahang sundalong nakasaksi, isang pagtatalo ang pinaniniwalaan nilang puno’t-dulo ng nangyari.
Ayon kay A1C Glenn Baquing, nasaksihan niya ang pag-iiringan ng dalawa sa loob ng barracks bago naganap ang pamamaril.
Umusok ang pagtatalo nung magsimulang magparinig si Jess habang kumakain sa loob ng “mess hall†ukol sa “isang tao†na nagsumbong sa kanilang Commander na nasa Basa Airbase, Pampanga tungkol sa kanyang pakikipag-inuman sa kampo.
“Malaman ko lang kung sino ang nagsumbong, hindi makakalabas ng Basilan!,†pagbabanta daw ni Jess.
Bilang nakatataas, nagsalita umano itong si Art at pilit nitong pinapatigil sa paulit-ulit na pagbabanta si Jess. Subalit hind siya pinakinggan ni Jess at paulit-ulit pa rin ang kanyang mga sinasabi. Narindi na umano si Art kaya’t tumayo na ito at nilapitan si Jess.
“Ano ba talagang gusto mo Jess?!,†Tanong ni Art.
“Ikaw Sir…†sagot umano ni Jess.
Marahil ang tingin ni Art sa sagot ni Jess ay isang hamon sa kanyang kakayahan, pagka-lalake at ranggo sa kampong ‘yon.
Mula sa tagpong ito, nagningas ang girian ng dalawa hanggang sa nauwi sa pamamaril at pagkamatay ni Jess.
Ito ang naging dahilan ng pagkademanda(Court Martial) ni Art sa kasong “Homicide†under Article 249 of the Revised Penal Code in relation to Articles of War (AW) 96 and 97(“Conduct Unbecoming of an Officer and a Gentleman†at “Conduct Prejudicial to Good Order and Military Disciplineâ€).
Matapos ang isang mahaba at masusing pagsisiyasat at pag-aaral sa kaso, nagkaroon ng deliberasyon sa resulta ng botohan ng mga miyembro sa sala ni Air Judge Advocate Col. Caridad J. Aguilar.
Nagkaisa ang lahat sa hatol na “GUILTY†laban kay Art, sa lahat ng akusasyong ibinintang sa kanya. May parusang pataw ito na pagkaka-alis mula sa serbisyo, pagtanggal at hindi pagtanggap ng mga benepisyo, at pagkakabilanggo ng anim na taon at isang araw sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Nasa desisyon ng Commanding General (CG, PAF) kung siya’y malilipat sa PAF Custodial Center batay sa ipapakitang ugali ng akusado habang nakapiit at ang kanyang ‘military record’.
Bagamat walang bahid ang military record ni Art, siya’y nabilanggo pa rin sa New Bilibid Prisons, bagay na isa sa kinuwestyon ng panig ni Art.
Iniutos na siya’y makulong sa New Bilibid Prisons alinsunod sa AW 41 dahil higit sa tatlong taon ang kanyang sentensya. Ito ang isa sa nga bagay na kinukwestyon ng panig ni Art.
Bukod dito marami pang bagay ang kanilang nais atakihin sa desisyon ng TJAG kaya’t nung Enero 14, 2011 nagsampa sila ng “Petition to review the recommendation of the Air Judge Advocate†sa CSAFP o Office of the Chief of Staff Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng abogado ni Art na si Atty. Apollo Atencia.
Ginawa ito upang muling tingnan ang mga anggulong sa palagay nila ay hindi naging klaro sa paglitis ng kaso. Ipinagdiinan ni Atty. Atencia sa petisyon ang anggulo ng “self-defense†kung bakit nagawa ang pamamaril sa biktima nung gabi ng Disyembre 15, 2007.
Nung tanungin si Art ng korte, na kung sakaling mapunta muli sa ganong sitwasyon, kung gagawin niya ulit ang ganong reaksyon, isang mabilis na “Oo†ang kanyang isinagot.
Tungkulin niya bilang pinakamataas na opisyal sa kampo ang ipagtanggol sa kalaban ang kanyang “area of responsibility†at kanyang mga tauhan kahit ito’y kabaro niya.
Magsisimulang lumapot ang takbo ng kwento ‘pag inumpisahan nang ipakita ng depensa ang anggulo ng “self-defenseâ€. Basahin niyo at husgahan kung may puntos ang mga argumento ni Art na inihayag sa korte ng kanyang abogado.. ABANGAN sa LUNES, eksklusibo dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes. Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com