BINAHA ako ng mga reaksiyon ng mga mambabasa sa piyesa kong “Manila Totoo Namang ‘Pintuan ng Impiyerno’’ (Sapol, 31 Mayo 2013). Ilan lang ito sa mga sama nang loob tungkol sa Kamaynilaan, pero maari rin tungkol sa iba pang metropolis sa Pilipinas (isinalin, pinaikli):
Marietta Cuyegkeng: “Una’t huling nakikita ng mga bumibisitang dayuhan ang Manila International Airport. Nasa balita nito lang na bumabagsak ang sementong kisame doon sa mga pasahero, naghahatid, nanunundo, at mga empleyado. Hmp!â€
Henry ng yahoo.com: “Dagdag pa sa nilista ninyo na kabulukan sa Kamaynilaan ang airport, kung saan nanggigitata sa dumi at agnas ang carpets sa labas ng air tubes. Napaka-pabaya ng airport managers!â€
Edilberto Cura ng Quiapo, Manila: “Hinukay ang kahabaan ng Hidalgo Street kung saan ako nakatira. Pero maganda pa ang kundisyon ng konkreto. Grabe ang traffic at sayang ang pera ng mamamayan. Anang Department of Public Works and Highways, proyekto ito ng City Hall. Sumulat ako sa mayor; ilang linggo na wala pa ring sagot.â€
Zaldy ng gmail.com: “Nu’ng una hinuli nila ang mga ‘kuliglig’ (pedicab o de-padyak na tricycle) dahil walang prankisa at nakaka-traffic. Tapos, inobliga nilang kabitan ang mga ito ng motor, na ang supplier mula Tsina ay kaibigan daw ng City Hall. Ngayon ‘legal’ na ang mga kuliglig. Mas lumala ang traffic.â€
Bob Barreto: “Sana pagtuunan ni Presidente Noynoy ang paglunas sa karukhaan. Hangga’t hindi sapat ang kinakain ng mamamayan at nanaÂnaÂtili silang mangmang, hindi nila makikita ang pagbabago na dapat lang ay para sa kanila.â€
Taga-Pasay City, huwag na raw pangaÂlanan: “Abusado ang City Hall at traffic aides dito. Ma-traffic palagi sa EDSA kanto ng Taft Avenue dahil pinapayagang gawing garahe ng jeepneys ang dalawang lanes. At tadtad nang colorum bus terminals sa magkabilang panig.â€