^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga driver na lasing at bangag sa droga

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Huwebes ng gabi, isang babae ang namatay at grabe namang nasugatan ang asawa nito. Binangga ng isang sports utility vehicle (SUV) ang sinasakyang motosiklo ng mag-asawa. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang babae. Nabasag umano ang suot na helmet ng babae. Ayon sa mga pulis, lasing ang driver ng SUV. Nahuli agad ang driver na tangka pang tatakas.

Nang araw na maganap ang malagim na pagbangga, nilagdaan naman ni President Noynoy Aquino ang Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”. Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Bibigat naman ang parusa kapag mayroong napinsala at namatay. Magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay kapag napatunayang nagmaneho nang lasing o kaya’y lango sa droga. May katapat din itong mahabang pagkakakulong.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) karamihan ng mga nangyayaring aksidente sa sasakyan sa Metro Manila ay dahil lasing ang drayber. Dumadami nang dumadami ang aksidente at nakakaalarma na sapagkat maraming motorista at pedestrians ang nadadamay. Ayon pa sa MMDA, karaniwang nangyayari ang aksidente sa madaling araw. Mayroong sasakyan na bumabangga sa poste, pader, at madalas din na may inaararong kabahayan o mga taong naglalakad at naghihintay ng sasakyan.

Napapanahon ang pagsasabatas ng RA 10586. Ito ang sagot sa walang disiplinang pagmamaneho. Ginagawa nang bisyo ang pagmamaneho habang lasing o kaya’y bangag sa droga. Inilalagay sa panganib ang buhay ng ibang tao at sumisira ng ari-arian. Agarang ipatupad ang batas na ito. Magkaroon nang sapat na equipment ang MMDA traffic enforcers, para ma-detect nang agaran ang mga lasing at bangag. Hindi rin naman sana masuhulan ang traffic enforcer na huhuli sa mga lasing.

AGARANG

AYON

BIBIGAT

BINANGGA

DRIVING ACT

DUMADAMI

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with