^

PSN Opinyon

Lahat nang terminal fee na iyan!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAKING isyu ngayon ang masamang kundisyon ng mga airport sa bansa. Hindi maayos na comfort room, x-ray machines na hindi gumagana, runway na maikli, at ang pagguho ng mga tipak ng semento sa NAIA Terminal 1. Nagkaisa ang mamamayan na dapat magaganda ang ating mga airport, kung gusto nating itaguyod ang turismo. Ano nga naman ang unang nakikita ng isang turista, maging dayuhan man o lokal, kapag nakalapag na ang eroplano?

Ang palagi kong itinatanong ay kung saan ba napupunta ang kinokolektang terminal fee sa mga airport sa Pilipinas? Bata pa lang ako, alam kong may binabayarang terminal fee ang lahat ng pasaherong palipad kung saan-saan. Ilang dekada nang kinokolekta ang terminal fee na iyan, na maaa-ring nagkakahalaga na ng bilyon ngayon!

Sabihin na natin na noong panahon ni Marcos ay maaa-ring walang napunta sa pag-ayos at pag-maintain ng mga airport. Kung meron man, baka kakapiranggot na lamang. Pero paano pala noong panahon nina President Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo? Naaalala ko pa sa isang state of the nation address ni dating President Arroyo na ipinagmalaki niya ang mga airport na ginawa. Nasaan na ang mga iyan?

Kailangang isapubliko kung saan at paano ginagastos ang terminal fee. Walang magawa ang pasahero kundi magbayad ng daan-daan. Tapos kapag kinailangang magtungo ng CR, dumi at sira ang sasalubong. Sinong may gusto niyan? Sinong may gusto na siya ang iigib ng tubig para magamit niya? Ipagagawa mo sa turista iyan? Kaya umaabot sa internet ang sama ng kundisyon ng mga paliparan natin, tapos mapipikon naman tayo!

May tatlong taon pa ang administrasyong Aquino para maisaayos ang lahat ng problema sa mga paliparan, lalo na sa NAIA Terminal 1. Kung may panukala na ilipat na ang paliparan sa Clark, paano pala ang mga wala namang sasakyan para ihatid sila roon? Mabuti sana kung nagawa ang Northrail, eh hindi naman, kasalanan ng nakaraang  administrasyon. Kailangan aksyon. Aksyon na binayaran ng lahat ng terminal fee na iyan!

 

vuukle comment

AKSYON

ANO

AQUINO

BATA

KUNG

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT ARROYO

SINONG

TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with