Santisima Trinidad

IPINAGDIRIWANG ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos (Santisima Trinidad). Ito’y itinalaga ni Papa Juan XX11 noong 1334. Ang Trinidad kung ihahambing sa ating pagkatao ay katumbas ang katauhan ng Diyos bilang Ama, Anak at Espiritu Santo. Palaging sinasabi sa atin ni Hesus sa Kanyang panga-ngaral: “Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo”.

Ang kauna-unahang nilikha ng Diyos ay Karunu-ngan bago pa likhain ang langit at ang lupa. Ang laging kasama at katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang gawain ay Karunungan. Naging lubos ang kanyang ligaya ng likhain Niya ang sangkatauhan. Noong likhain Niya ang tao ay ibinigay kaagad ang Karunungan.  Magpasalamat tayo sa Kanya tuwina at dapat natin itong alagaan, pagyamanin at ingatan.

Sa darating na Hunyo ay simula na naman ng pag-aaral ng ating  mga kabataan. Dapat nilang paunlarin ang karunungan sapagkat ito ang kauna-unahang biyaya na ibinigay sa atin ng Diyos noong tayo’y Kanyang likhain sa sinapupunan ng ating ina. Walang makapagsasabi na siya’y walang karunungan, iba’t iba lamang ang katangian. Ito ang tinatawag nating talino. Kaya merong manggagamot,  guro, mangangalakal, tagapagtanggol, manunulat, tagapagpahayag, pintor, inhenyero, manggagawa sa lupa, dagat at himpapawid at marami pang iba. Naroon din ang gawain at karunungan sa pagtawag ng Diyos upang ipahayag ang mabuting balita  --- ang  bokasyon.

Kaya paalaala sa mga mag-aaral na pag-ingatan ang bigay ng Diyos na karunungan upang paunlarin ang bawa’t isa. Tamasahin natin ang kagandahang-loob ng Diyos at lubos na pag-asa sa Kaluwalhatian sapagkat ang pagtitiyaga  sa inyong lubusang pag-aaral ay magbubunga sa tulong ng Espiritung Banal.

Laging manalangin sa Espiritu Santo upang liwanagan ang inyong isipan at paunlarin ang karunu­ngan. “Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan Niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan”. Huwag ninyong sirain ang inyong karunungan sa pagiging alipin ng mga internet na pawang paglalaro lamang. Gamitin ninyo ang teknolohiyang iyan upang paunlarin ang inyong Karunungan at kabanalan.

Kawikaan 8:22-31; Salmo 8; Roman 5:1-5 at Juan 16:12-15

* * *

Binabati ko ang kapista­han ni San Isidro Manga­gawa sa aking nilakhang barangay, Tumbaga I, Sariaya, Quezon.

 

Show comments