NATUTUWA kami na maging bahagi ng programang Sa-lamat Dok ng ABS-CBN sa loob nang maraming taon. Ang programa ay mapapanood sa Channel 2 tuwing Sabado, 6:00 ng umaga, at Linggo 7:30 ng umaga.
Malaki ang naitutulong ng Salamat Dok sa kalusugan ng ating bayan:
1. Pagbibigay payo: Bawat episode, nagbibigay ng impormasyon medikal ang Salamat Dok. Kumukuha sila nang magagaling na guest experts para magpayo at sagutin ang tanong ng mga manonood.
2. Health updates: Lahat nang maiinit na balita ukol sa kalusugan ay tinatalakay nina Mr. Alvin Elchico, Ms. Bernadette Sembrano at Ms. Jing Castañeda bilang TV hosts.
3. Medical mission: Bawat linggo, may 200 pasyente ang nagpapatingin sa ABS-CBN garden kung saan sari-saring gamutan ang kanilang natatanggap. Public service ito ng ABS-CBN at walang bayad kaming mga doktor, nars at health workers na tumutulong dito. NgaÂyong 2013, pumupunta na ang Salamat Dok sa iba’t ibang lugar para marating ang ating mga kababayan.
Pamumuno ni Mr. Ogie Esguerra
Ang utak at galing sa likod ng Salamat Dok ay nakasalalay sa Executive Producer, si Mr. Ogie Esguerra. Kaya hindi kataka-taka na ang Salamat Dok ang number 1 health show sa bansa.
Sa pamumuno ni Sir Ogie, marami nang parangal ang tinanggap ng Salamat Dok. Congratulations po sa lahat ng staff.
Tips: Sakit sa tag-ulan
Ngayong malapit na ang tag-ulan, mag-ingat na tayo sa mga WILD diseases:
W - Waterborne disea-ses o sakit na galing sa maruÂming tubig. Ang mga bacteria sa tubig ay puwedeng magdulot ng pagtatae. Ito ay ang mga sakit na gastroenteritis, typhoid at cholera.
Para makaiwas, uminom lamang ng purified water o distilled water. Ang tubig gripo ay puwedeng pakuluan ng tatlong minuto bago ipainom.
I - Impeksiyon tulad ng trangkaso, ubo at sipon. Dahil nga nagkasama-sama ang mga tao sa bahay o sa evacuation centers, madali magkahawahan.
Paano iiwas? Lumayo tayo sa taong may ubo o sipon. Turuan silang bumahin o umubo sa tissue, panyo o sa manggas ng kanilang baro.
L – Leptospirosis. Ito ay isang sakit na galing sa ihi ng daga. Kapag may sugat ang iyong paa at lumusong ka sa baha, posibleng pumasok ang leptospirosis bacteria sa katawan. Ma-tindi ang sakit na ito at nakararanas ng paglalagnat, paninilaw ng mata at sakit ng katawan.
Paano iiwas? Magsuot ng bota. Maligo at sabunin ang buong katawan.
D – Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok. Matindi itong sakit at nakamamatay. Para makaiwas sa lamok, maglagay ng insect repellant lotion sa damit.
Magsuot ng long sleeves at long pants, at gumamit ng kulambo. Maglinis ng bakuran at alisin ang mga nag-iipong tubig sa ating paligid.