EDITORYAL - Ipabaklas sa kandidato ang sariling posters
ABALA pa rin ang mga tauhan ng Metro MaÂnila Development Authority (MMDA) sa pagÂÂ tatanggal ng campaign materials ng mga kanÂdidato. Hindi matiyak ng MMDA kung kailan nila matatapos ang paglilinis sa mga basurang nakadikit at nakasabit. Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino mahigit 70 tonelada na ng campaign materials ang kanilang nakokolekta. Karamihan sa mga inalis na campaign materials ay tarpaulin na nakasabit sa mga poste ng ilaw, linya ng cables at telepono at mga nakapako sa punongkahoy at mayroong nakabitin sa stoplight. Ayon sa MMDA mas maraming nakasabit na tarpaulin ngayon kumpara noong 2010 presidential elections.
Nang magsagawa ng “Brigada Eskwela†ang Department of Education (DepEd) noong nakaraang Lunes, maraming basura ng kandidato ang kanilang inalis sa paligid ng school. Ang “Brigada Eskwela†ay taunang ginagawa ng DepEd bilang paghahanda sa pasukan. Magbubukas ang school year sa Hunyo 3. Ayon sa mga guro at volunteers, maraming nakadikit na posters ng kandidato sa pader ng school. Sa kabila na ipinagbabawal ng Comelec ang paglalagay ng campaign posters sa malapit sa eskuwelahan, hindi rin ito sinunod ng mga kandidato. Sinalaula ng mga kandidato ang malinis na pader ng school at sinabitan din ng mga tarpaulin ang mga punongkahoy na nasa paligid ng school.
Lagi na lang, tuwing pagkatapos ng election ay problema ang mga basura ng kandidato at ang bumabalikat sa paglilinis ay ang MMDA. Sa nangyayaring ito, nararapat nang gumawa ng hakbang ang MMDA. Magbigay sila ng suhestiyon sa Comelec na ang sinumang kandidato na mag-kabit ng campaign posters ay sila rin ang dapat magbabaklas o mag-aalis nito. Pagmumultahin ng MMDA ang kandidato na hindi magbabaklas ng kanilang campaign materials. Ihain ito nang maaga para maipatupad na sa 2016 elections.
- Latest