EDITORYAL - Karamihan sa unemployed ay college graduates
MAHIRAP kapag hindi nakapag-aral sa bansang ito sapagkat hindi makakakita ng trabaho. Pero sa panahon ngayon, kahit na nakapag-aral o college graduates ay hindi makakita ng pagkaka-kitaan. Iyan ay ayon sa report ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa NSO, 18 porsiyento ng mga walang trabaho sa kasalukuyan ay pawang nagtapos ng kolehiyo. Noong Enero 2013, tinata-yang 608,000 tao lamang ang naka-empleo mula sa dating 606,000. Ibig sabihin, 2,000 katao lamang ang nadagdag o nagkaroon ng trabaho sa unang buwan ng 2013. At ayon nga sa NSO ang mga walang trabaho sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng mga college graduates.
Ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan, hindi nagtutugma ang mga pino-produced ng mga kolehiyo at unibersidad sa demand naman ng merkado. Nakababahala umano ang nangyayaring pagtaas ng mga college graduates na na-giging tambay. Ipinakikita ng ganitong sitwasyon na walang magandang pag-uusap ang mga unibersidad at ang mga kompanya.
Mayroong mali sa nangyayaring ito at kung hindi magkakaroon ng magandang sistema ang mga eskuwelahan, lolobo pa ang mga walang trabaho na kinabibilangan ng mga nagtapos sa kolehiyo. Nakakahiya ito sapagkat pagkaraang gastusan ng mga magulang ang kanilang anak para makatapos sa kolehiyo, wala rin palang magiging trabaho. Ang inaasahan nilang makakatulong sa kanila ay magiging pakainin din pala.
Nararapat na ibabagay ng mga unibersidad at kolehiyo ang kanilang io-offer na kurso sa demand ng merkado. Halimbawa na lamang ay ang kursong Nursing. Patuloy ang pag-offer ng nursing gayung napakarami nang graduate at wala ring trabaho. Maraming Pinay nurses ang hindi na matanggap sa abroad sapagkat sobra-sobra na.
Sa darating na pasukan ay marami na namang kukuha ng nursing at madadagdag sila sa probleÂma na wala ring makukuhang trabaho sa hinaharap. Magkakaroon na naman ng Nursing board exam at tiyak na ang mga papasa rito ay mapapabilang din sa unemployed.
Patuloy ang pag-graduate sa kolehiyo at patuloy din ang pagdami ng mga walang trabaho. Kailangang kumilos ang pamahalaan kung paano madadagdagan ang trabaho. Kontrolin naman ng mga school ang pag-offer ng mga kursong hindi in-demand.
- Latest