^

PSN Opinyon

Sikat na actor, nagwala sa kanilang subdivision, kotse ng kapitbahay pinagsisipa

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang inireklamo sa barangay ang isang sikat na actor matapos magwala sa kanilang subdivision?

Ayon sa aking bubwit, nabulabog ang mga kapitbahay ni actor nang ito ay umuwi ng lasing.

Alam nang marami na lasenggo si actor kaya lang inireklamo ito sa kanilang barangay dahil sa ginawang pagwawala.

Ang napagdiskita­han kasi ng actor ay ang kotse­ ng kanyang kapitbahay. Isang gabi ay umuwi si actor sa kanyang bahay sa Vermont Village, Marcos Highway, Marikina City.

Pagdating sa bahay ay nakita niyang nakaparada ang kotse ng kapitbahay sa tapat ng kanyang bahay.

Nagalit si actor at pinagsisipa ang kotse hanggang mayupi. Dahil sa ginawa ni actor, naga­lit ang kapitbahay at inireklamo ito sa barangay.

Ipinatawag sa barangay ang actor subalit hindi ito sumipot. Hindi rin kinausap o humingi ng paumanhin sa kaniyang kapitbahay. Ang nakiusap na lamang at umareglo sa kaso ay ang kanyang tatay.

Ayon pa sa aking bubwit, binayaran na lamang ng tatay ni actor ang damage ng kotse ng kanilang kapitbahay at siya na rin ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak na actor.

Marami ang nagtataka sa sikat at guwapong actor na ito dahil kung makikita mo at mapanood sa TV at sa mga pelikula ay parang napakabait. Parang hindi makabasag pinggan. Ito rin ang dahilan kaya marami ang kumukuha sa kanya bilang model at endorser ng shampoo, toothpaste at iba pa.

Pero kapag nala­lasing ay biglang nagbabago ang persona­lidad. Ang actor na nagwala sa kanilang sub­division ay si actor J.C. as in Jesus Christ.

ACTOR

ALAM

AYON

DAHIL

IPINATAWAG

JESUS CHRIST

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

VERMONT VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with