Si CPNP Purisima at ang eleksyon

SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Philippine National Police na pinamunuan ni CPNP Allan Purisima siempre kasama ang mga militar na itinalaga rin para mag-laga este mali mangalaga pala ng katahimikan at kaayusan kaya naman naging kalmado ang mga ‘criminal’ during election yesterday kasi alam nilang hindi sila bibiruin ng mga guardia sibil.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi na ata natulog ang mga tauhan ni Purisima na ikinalat sa Philippines my Philippines para magmatyag at magbantay sa mga kriminal na maaring maghasik ng kaguluhan during election time.

Sabi nga, naging ‘visible’ sa eyes ng madlang voter ang PNP at militar sa mga polling places.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, sii CPNP Purisima at ibinida nito ang mga casualty sa election related incidents noon mga nakaraan taon tulad ng 2007  election may 229 ang naitalang nakamote at noon 2010 may176 pero ngayon year ay mayroon lamang 59.

Kuwento ni Purisima sa mga suspected armed group members o mga gun for hire umabot sa106 have been either arrested, killed ng lumaban ang mga ito sa pulisya.

Ayon kay Purisima may 2901 ang nakumpiska ng kanyang mga tauhan na mga boga.

Si CPNP Purisima kasi ang chairman ng Secure and Safe Elections o SAFE kaya noon nakaraan taon pa lamang ay binigyan na nila ito ng preparasyon para sa nga naman sa araw ng erection este mali election yesterday ay maging tahimik at payapa.

Sabi nga, Congrats, CPNP Allan Purisima, keep up the good work!

Kalmado ang naging election

YESTERDAY, pagbukas ng mga polling places sa Philippines my Philippines ay sangkaterbang madlang voters ang nagsiksikan para makaboto agad dahil may ulan at ang isa pang naging problema ay nagkaroon ng aberya ang mga PCOS machine.

Kaya naman dahil dito may 96 na clustered  precincts  ang nabalam dahil sa ilang teknikal na problema sa mga PCOS machine.

Sabi nga, ang 96 clustered ay nasa Metro Manila, Zamboanga City at Zamboanga del Norte.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sandali lamang ang aberyang naranasan ng madlang voter dahil matapos ang final testing at sealing sa mga polling machines sa mga nasabing places ay agad itong nag-start sa botohan.

Ika nga, pasok na madlang voter huwag magtulakan at puede na kayong bumoto. Hehehe.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mismong araw lamang ng erection este mali election pala ginawa ang FTS sa PCOS machines sa ilang lugar dahil sa ilang technical glitches na nakita sa mga makina at mga Compact Flash cards.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit ganito na rin ang nangyari ay pinayagan na rin ang madlang botante na mag-shade ng kanilang balota pero ang mga election officers na lamang ang nag-feed ng mga balota sa mga poll machines para sa canvassing nito.

Napagalaman na hindi naman pala lahat ng PCOS ay nagkaroon ng case proble problema dahil mas marami namang makina ang gumana nang maayos.

Sinasabing bawat lugar daw ay may isang extra PCOS machine.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga case problem rin ang PCOS machines halimbawa ayaw tumanggap ng balota, mayroon ring biglang nag-shutdown, ang iba ay hindi gumana, may mga nag-jam at may mga nawawalang CF cards.

Kambiyo issue, ipinagyabang ni COMELEC chairman Sixto Brillantes kahit na may barberya este mali aberya pala ng kaunti ay naging payapa maayos  sa pangkalahatan ang  idinaos na midterm elections yesterday.

Sabi ng COMELEC, may 200 PCOS machines lamang naman ang nagkaproblema sa maghapong halalan.

Naku ha!

Ano ba ito?

Bida ng COMELEC, mas kaunti pa ito kumpara sa mahigit 400 PCOS machines na nagka-problema noong May 2010 automated polls.

‘Sana tanggapin ito ng maluwag ng mga matatalong kandidato dahil kapag nasilat sila tiyak ang unang sasabihin sa madlang public sila ay dinaya.’

Abangan.

 

Show comments