KUNG ang desisyon ng eleksyon ay laban sa naproklamang kandidato na nakaupo na sa posisyon, maari ba niyang pigilan ang pagpapatupad ng hatol habang hinihintay ang apela sa kadahilanang mapuputol o maiistorbo ang serbisyong pampubliko dahil baka siya rin naman ang mananalo sa apela? Ito ang isyu sa kaso ng magkapatid na Mon at Jess.
Ang magkapatid ay tumakbo laban sa isa’t isa para sa posisyon ng mayor ng kanilang munisipyo noong eleksyon ng May 14, 2007. Pagkatapos ng pagbibilang ng boto, si Mon ang iprinoklamang nanalo na may 4,818 na boto habang si Jess naman ay nakakuha ng 4,540 na boto. Ang diperensiya ay 278 na boto. Nagsampa ng election protest si Jess sa Regional Trial Court (RTC) at kinuwestiyon ang resulta ng eleksyon sa 36 na presinto.
Matapos matingnan ang ebidensya galing sa mga partido at mga testigo ng National Bureau of Investigation (NBI) nakagawa ng sariling assessment ang RTC ukol sa mga balota. Ang desisyon ay: 1) 981 na boto ay “stray votes†at ibinawas kay Mon. Dahil dito ay tumaas ang bilang ng mga boto ni Jess nang dagdag na 708; 2) Base sa mga markadong balota na galing sa isang tao at markadong balota na galing sa dalawang tao, 315 na boto ang ibinawas kay Mon. Ito ay nagdulot ng diperensya ng 37 na boto. Kaya ayon sa RTC, malinaw na si Jess ang nanalo.
Noong Feb. 12, 2008, nagsampa ng apila si Mon para sa desisyon ng RTC samantalang si Jess ay nag-file ng mosyon para sa writ of execution habang hinihintay ang apela. Noong Peb. 15, 2008 naglabas ng order ang RTC pabor sa mosyon ni Jess na ipatupad na ang desisyon habang hinihintay ang apela dahil sa mga sumusunod na sirkumstansya: 1) ang pagpayag sa pagpapatuloy ng
status quo ay gagantimpalaan pa ang mga sangkot sa pandaraya, anomalya, katiwalian at ang pagharang sa nais ng mga botante; 2) ang naghaharing “will of the people†ay dapat respetuhin; at 3) ang danyos-perwisyo kay Jess ay higit pa sa danyos ni Mon.
Noong Peb. 19, 2008 nagpetisyon si Mon ng cerÂtiorari and prohibition sa Comelec upang tingnan ang special order ng RTC sa kadahilanang grave abuse of discretion.
Noong Hulyo 30, 2008 nag-issue ng resolusyon ang first division ng ComeÂlec na patuparin ang petisyon ni Mon at isinantabi ang special order ng RTC. Ipinawalang-saysay rin ang writ of execution na kasama nito, inutusan ang mga partido na obserbahan ang status quo at pinayagan si Mon na ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang muÂnicipal ma-yor. Ito ay pinanindigan ng CoÂmeÂlec en banc.
Sa pagsasantabi ng RTC special order, sinabi ng CoÂmelec na ang pagkapanalo ni Mon ay nararapat na maÂnatili dahil siya rin naman ang mananalong kandidato sakaling ma-overturn ang bilang ng RTC sa mga boto. Nagkaroon ng konklusyon ang Comelec na mas mabuÂting ipreserba ang status quo na nauna sa desisyon ng RTC noong Peb. 8, 2008 upang hindi maistorbo ang serbisyong pampubliko. Tama ba ang Comelec?
MALI. Ang mga desisyon ng mga korte sa election protest cases na resulta ng judicial evaluation ng balota at ng proceedings ay dapat mabigyan ng kapantay na pagkilala katulad ng desisÂyon ng Board of Canvas-sers. Ito’y higit na totoo sa mga kasong tulad nito na maikli lamang ang termino ng serbisyo ng posisyon.
Sa kasong ito, dapat nirespeto ng Comelec ang RTC sa desisyon nitong iproÂkÂlama si Jess na nanalo dahil base ito sa ebidensiya na iprinisinta ng mga partido, testigo ng mga expert ng NBI at ng sariling ebalwasyon ng mga balota. Maliban dito, inilatag naman ng RTC ang superior na mga sirkumstansya na nagpapakitang dapat ipatupad ang desisyon habang hinihintay ang apelasyon sa Sec 11, Rule 14 ng A.M. 07-4-15-SC ukol sa pag-apruba o di pag-apruba ng execution habang hinihintay ang apela.
Ang “disruption of public service†ay hindi dahiÂlan para hindi ipatupad ang deÂÂsisyon habang ito ay naka-apela. Ang disruption ay isang resulta talaga ng pagpapatupad ng desisyon habang ito’y nakaapela na kinonsidera na ng Korte SuÂprema nang ipiÂnahayag ang naturang Rule 14 pinapayagan ang execution habang naka-apela ang desisyon (Calo vs. COMELEC, G.R. 185222, Jan. 19, 2010).